"Anong balita sa twin brother mo at sa iba pa?""Sinong twin brother ang tinutukoy mo? Si Stuart ba?" balik na tanong ni Mickey kay Soo-hee.
"Di ba kakambal mo siya?"
Natawa siya. "Hindi ko siya kakambal. Kapatid siya ni Jayson."
"Sa tingin mo Mickey, kapatid ngang talaga siya ni Jayson?" May pagdududa sa isipan ng dalaga.
"Wag na nga nating pag-usapan si Stuart. Pahiram na nga lang ng cellphone mo," inilihis niya ang usapan. Ayaw na niyang pag-usapan pa ang tungkol kay Stuart.
Habang inaabot nito sa kanya ang cellphone may kung anong kabang bumundol sa kanyang dibdib. Sana mali ang sinasabi ng kanyang isipan. Sana walang masamang nangyari kina Stuart.
"May number ka ba ni Dane?"
Biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Soo-hee ng marinig ang pangalan ni Dane.
"Wala akong number sa kanya. Binura ko na," malamig na sagot nito sa kanya.
Gusto niyang matawa sa inaasal nito.
"Wag mong sabihing nagseselos ka sa kanya."
"Stopped it, Mickey!"
Tumahimik na lang siya.
"Si Jamaica na lang ang tatawagan ko," biglang sabi niya. "Baka pati pinsan ko pagselosan mo."
"Magtigil ka nga Mickey, sabi!"
Natatawa talaga siya sa inaasal nitong si Soo-hee.
Hindi sinasagot ng kanyang pinsan ang mga tawag niya. Nagriring lang ang cellphone nito. May nabuong hinala agad sa isipan niya na may masamang nangyari sa mga ito.
Ilang ulit niya ring tinawagan ang kanyang pinsan bago may sumagot.
"H-Hello, Jamaica!"
Mga pag-iyak at mga tili lamang ang paulit-ulit niyang naririnig.
"Jamaica! Hello! Hello!" paulit-ulit at natataranta niyang sabi.
Isang malakas na pagsabog ang narinig niya.
"Ngrass..." Nabitiwan niya ang cellphone ng marinig ang ingay na galing sa isang infected.
Napasandal siya sa pader. Hindi niya maiwasang maiyak. Kasalanan niya ang lahat. Sinisisi niya ang sarili sa mga nangyari. Kung hindi lang niya iniwan ang mga ito. Kung sama-sama na lamang sana sila, hindi sana mapapahamak sina Stuart. Ang hina-hina ng utak niya!
"Wag mong sisihin ang sarili mo sa mga nangyari. Isipin mo na lang na kaya nangyari ang ganitong bagay at pinasadyang hindi tayo nakasama sa kanila siguro may dahilan ang lahat," pag-aalo sa kanya ni Soo-hee.
"Hindi Soo-hee, kasalanan ko ang lahat," wala pa ring tigil sa pagtulo ang kanyang mga luha.
"Hindi itinulot ng tadhana na makasama ka sa kanila dahil may mahalaga ka pang misyon na kailangan gampanan upang malunasan ang virus na sumisira sa buong sangkatauhan."
Alam ni Soo-hee na nakagat siya. Naroon ito at nasaksihan ang lahat kung paanong nalabanan ng kanyang katawan ang virus ng makagat siya ng isang infected.
"Ano bang sinasabi mo Soo-hee? Walang lunas ang Z-Virus!"
"Alam ko Mickey, ngunit kailangan ka ng lahat na mga hindi infected. Kailangan ka naming lahat upang magpatuloy sa buhay."
"Bakit ako? Hindi naman ako isang scientist o doktor upang lumikha ng panlunas."
"Nakita ko ang lahat na mga nangyari, Mickey."
BINABASA MO ANG
Z-VIRUS: End Of Mankind
SciencefictionAn unusual virus continues to destroy humanity on seven continents of the world. The virus is contagious through bites and scratches. It has no medical cure. In a laboratory in America they called it, the Z-Virus. January 6, the virus entered in the...