Chapter 7

157 6 0
                                    


"Soo-hee!" sigaw ni Mickey ng akma itong aatakihin ng infected na lalaki mula sa likuran.

Mabilis naman ang ginawang pag-ilag nito ng makitang inihagis niya ang hawak-hawak na kutsilyo. Bumaon iyon sa noo ng infected. Napasigaw ito sa takot ng may umataki sa isa nilang kasamang lalaki na natutulog sa sofa. Hindi na ito nagawang matulungan nina Mickey at Stuart dahil nakagat na ito sa leeg. Madirinig mo na lamang ang nakakatakot na pagdaing at paghingi nito ng tulong.

Biglang nagulat naman ang mga nasa terrace na iba nilang kasama ng marinig ang ingay na nangyayari. Laking gulat ng mga ito ng makita ang mga infected na pinagtutulungan lapain ang isa nilang kasama. Akala nila kanina kung ano lang ang bumagsak kaya hindi nila pinansin, iyong nakaharang pala sa pinto. Ito ang naging dahilan kung bakit napasok sila ng mga infected.

Hinila ni Mickey si Soo-hee patungo kila Stuart. Walang tigil ring inaasinta ni Stuart ang mga infected ngunit hindi ang mga ito nababawasan mas lalo lamang na dumarami.

"Tayo na sa may terrace," aniya sa mga kasamang naroon.

Habang patungo sila roon hindi nila hinahayaang may makalapit sa kanila isa man sa mga infected. Binabaril ang mga ito ni Stuart.

Nasa labas na sila ng terrace at isinara na ni Mickey ang dahon ng pinto at inilock iyon sa labas upang hindi sila masundan ng mga ito. Sinigurado niyang hindi iyon mabubuksan at masisira.

"Nasaan si Rosanna?" hanap ni Gemma ng hindi nito makita ito.

Sabay-sabay silang napadungaw sa bintana ng marinig ang paghingi ng tulong ni Rosanna. May kumagat sa leeg nito, sa braso, sa tiyan upang gutayin iyon. Nag-cr pala ito kanina dahil nasira ang tiyan.

Gusto sanang iligtas ni Mickey ito ngunit naharangan siya nina Roy at Johnny ng akma sana niyang bubuksan ang pinto.

"Wala na tayong magagawa!" sigaw ni Roy.

Napamura si Mickey.

Tama naman talaga si Roy, Wala na silang magagawa upang matulungan si Rosanna dahil kabilang na ito sa mga infected.

Inihanda na niya ang sarili. Hindi na sila maaari pang magtagal roon dahil paliit nang paliit ang mundong ginagalawan nila.

"Handa na ba ang lahat?" biglang tanong niya sa mga ito.

Sabay-sabay na tumango ang lahat.

"Bumalik ka," ani Stuart na pinangingiliran na ng luha sa mga mata.

"Hindi ko maipapangako, Stuart," aniya rito. May lumukob na lungkot mula sa mga mata niya. "Kapag nakaalis na kayo sa lugar na ito magtungo kayo ng Bicol. Iyon na lamang ang natitirang ligtas na lugar sa ngayon."

"Paano mo nalaman?" tanong ni Roy.

"Tumawag sa akin si Tito Zein five hours ago bago tayo pinasok ng mga infected. Ang problema nga lang mahigpit ang seguridad upang makapasok sa teritoryong pinangangalagaan laban sa mga infected. Kailangan munang dumaan sa isang pagsusuri bago payagang makihalubilo sa mga taong naroon."

Gustong niyang maiyak, hindi dahil sa pinanghihinaan siya ng loob kundi ang katotohanang hindi na niya makakasama pang muli ang kanyang kapatid na si Jung Soo.

"Sasamahan kita Mickey!" pigil ni Soo-hee sa kanya ng patutungo na sana siya sa kabilang terrace, sa Yunit A upang doon dumaan.

Gusto sana niyang tumutol dahil ayaw niyang malagay sa alanganin ang buhay ng babaing kanyang minamahal. Ngunit naging makulit ito at wala siyang ibang pagpilian kundi ang isama ito.

Napapansin ni Soo-hee na hindi siya welcome sa mga kaibigan ni Mickey maliban kay Stuart kaya kahit mapanganib man gusto niyang samahan ang lalaking minamahal niya. Para siyang mamamatay sa mga masasamang titig ng mga ito. Alam naman niya ang dahilan kung bakit ganun ang pagtrato ng mga ito sa kanya.

Z-VIRUS: End Of Mankind Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon