Chapter 52

19 2 0
                                    

INIISIP pa rin ni Lita ang isa niyang kambal na anak na si Stuart. Lagi siyang nag-aalala para sa kaligtasan nito. Mas nadagdagan ang kanyang mga pangamba ng malamang kasabwat pala si Rafael ni Steven upang makuha sa kanila si Mickey. Hindi na niya alam ang gagawin. Lagi niyang sinisisi ang sarili kung bakit hindi niyang nagawang protektahan ang mga anak. Gusto niyang pigilan si Mickey sa mga gagawin ngunit wala siyang lakas upang sabihin ito.

"Sana maging maayos ang lahat," usal niya habang nakatingala sa maitim na kalangitan. Tila nagbabadya ang malakas na pag-ulan. "Sana may maisip sila na ibang paraan upang mailigtas ang buhay ng anak ko. Kung wala, ako na ang gagawa ng paraan. Ayokong isugal ang buhay ni Mickey. Ayokong mawala siya ng tuluyan sa buhay ko. Mahal na mahal ko ang anak kong iyon kahit hindi ko sila naalagaan ng maayos noong maliit pa lamang sila."

Nawala ang kanyang mga iniisip at napatayo siya mula sa kinauupuang bato ng makarinig ng mga ugong ng makina ng sasakyan na tila patungo sa kanilang kinaroroonan. Hindi maganda ang kanyang kutob.

Natigilan rin ang lahat ng marinig ang mga ugong ng makina ng sasakyan. Sina James at Mickey ay napatungo agad sa kinaroroonan nina Hener na nagpupulong. Hindi nila alam kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito. Alam nilang ang pangkat ni Steven ang dumarating.

Nagmamadali namang inipon nina Jelly at Ara ang mga bata katuwang nila ang mga ina at ilang mga dalaga na survivor mula sa mapaminsalang z-virus.

"Kailangan na nating magmadali," ani Hener habang inihahanda ang mga kabayo na sasakyan ng mga bata at mag-aalalay sa mga ito. May sapat pa silang oras bago makarating sa kanilang kinaroroonan ang pangkat nina Steven.

"Mom, sumama na kayo sa kanila," ani Mickey sa ina.

"Hindi anak. Hindi ako aalis hangga't hindi ko kayo kasama ng kuya James mo."

"Ma, tama ang kapatid ko. Kailangan na ninyong sumama sa kanila mapanganib kung mananatili pa kayo rito."

Sa pakiusap ng magkapatid sumama na si Lita sa mga ililikas na mga bata at mga kasama nilang walang sapat na lakas upang lumaban. Ngunit lingid sa kaalaman ng magkapatid na sumama nga ito.

"Wala na bang naiwan na mga bata James?" tanong ni Hener dito ng makaalis na ang kanilang mga kasama.

"Wala na Nher," sagot nito.

Agad na ring pumwesto sa kanya-kanyang pagtataguan ang mga nagpaiwan. Mahigpit ang kanilang pagkakahawak sa kanya-kanyang mga sandata.

"Ara, bakit hindi ka pa sumama sa kapatid mo?" tanong ni Hener sa kapatid.

Hindi ito tumugon sa halip kinuha nito ang baril na nasa tabi niya at naghanap na rin ito ng mapagtataguan.

Si Woo Young naman tumabi sa anak upang masiguro ang kaligtasan nito. Gusto niyang makabawi sa mga panahong wala siya sa tabi nito. Napatingin sa kanya ito.

"Hindi ka sasama sa kanila!" matigas niyang sabi anak. "Ako ang magliligtas sa kapatid mo!"

"Alam n'yo ba ang inyong sinasabi?"

At akmang tatayo ito ngunit napigilan niya dahil nasa labas na ng kinaroroonan nila ang pangkat ni Steven.

Alam na rin ni Steven na pinaghandaan nila ang pagdating ng mga ito. Kaya inutusan nito ang mga tauhan na maging alerto at pinahanda ang mga armas. May dala rin itong mga tangke na nakahelera sa labas at nakatutok sa kanila.

"Wag na kayong magtago! Alam ko na naririyan lamang kayo!" sigaw ni Steven. "Kung makikipagtulungan kayo sa akin walang masasaktan isa man sa inyo!" dugtong pa nito.

Sa isip naman nina Zein at Hener hindi sila tanga upang maniwala sa mga sinasabi ni Steven.

"Bitiwan mo ako! Bitiwan mo ako!" sa mahina lamang na sabi ni Mickey dahil ayaw siyang bitawan ni Woo Young. At ng makawala sa pagkakahawak lumabas siya sa pinagkukublihan upang lumipat sana ng ibang pwesto ngunit hindi na niya nagawa dahil pinaputukan siya ng isa sa mga sniper ni Steven. Na siya namang ikinagalit nito sa tauhan.

Z-VIRUS: End Of Mankind Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon