Conquest 12 Mission Failed*

1K 88 11
                                        

Conquest 12 *Mission Failed*

Fiane's POV

Nandito na ako sa classroom, napaaga nga ako ng pasok eh, hindi na kasi ako nakakapanood ng anime dahil sa mga nangyayari ngayon lalo na yung kahapon halos hindi na ako makatulog kakaisip kung paano ako nakarating sa bahay.

Bumukas yung pintuan ng classroom at pumasok si Kate. Nilapitan ko siya agad dahil hihingi lang ako ng payo.

"Kate, anong gagawin ko!" Sabi ko sa kanya na parang nauulul na aso.

"Ano nanaman ang problema mo?" Walang buhay niyang sabi habang nilalapag niya yung bag sa desk.

"Anong gagawin mo kung bigla kang magteleport?" Tanong ko na may seryosong mukha.

Tumingin siya sakin tapos biglang tumawa na parang walang bukas. "Haha ano ba Fiane umagang-umaga nananaginip ka na agad haha paano ka magt-teleport eh wala namang portal"

"Teka portal? Tama thank you kate sige mamaya na lang bye!" Sabi ko sabay takbo papuntang rooftop.

**********

Pagdating ko, nakita kong naguusap sina Mei at Vincent. Mukhang seryoso ang pinaguusapan nila kaya nanatili na lang ako sa tapat ng pinto at nakikinig hehe chismosa talaga ako.

"Ibig sabihin, pagdilat mo nasa tapat ka na ng bahay mo at hindi mo na maalala yung nangyari ganon ba?" Sabi ni Mei.

"Tama ganon nga" pagsangayon naman ni Vincent.

Ganon din ba ang nangyari kay Vincent? Hindi lang pala ako ang nakaranas non. Lumapit na ako sa kanila dahil makikisali lang ako he he.

"Anong meron? Bakit ganyan yung mga mukha niyo?" Tanong ko sabay upo sa tabi nila.

"W-wala lang iyon" kabadong sabi ni Mei.

"Ano ba kayo alam ko naman na pagdilat mo ay nasabahay kana diba? At gusto mong malaman kung paano nangyari iyon kaya nagtatanong ka kay Mei." Sabi ko habang naka ngiti.

"Narinig mo ba? Nakita mo?" Gulat na gulat na tanong ni Vincent.

"Uhh... Oo pero alam ko naman iyon talaga dahil nangyari din sakin iyan" paliwanag ko.

"Ikaw din!" Sabay na sabi nila Vincent at Mei.

Tumango ako at natahimik kaming tatlo hanggang sa nagsalita si Mei. "May nakita ba kayong kakaiba o kahinahinala sa mga oras ng lumiwanag yung paligid?"

Ms. Fantasy meet's Mr. RealityMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon