Conquest 48 *He's Back*
Vincent's POV
Simula ngayon ang pag iwas ko kay Fiane. Naghahanap ako ng halimaw dito sa mini forest ng dungeon ng MAG ISA.
Naglalakad-lakad ako pero kahit anong hanap ko ay walang halimaw na lumalabas kaya tumigil ako saglit at umupo sa malaking bato. Nakaramdam ako ng antok kaya ipinikit ko ang mata ko.
May biglang kumaluskos sa bandang likuran ko sa maraming damo. Akala ko halimaw kaya dali-dali akong tumayo mula sa pagkakaupo at dahan-dahan lumapit sa damuhan.
Hinanda ko na ang espada ko. Bumilang ako ng 3 bago hawiin ang damo.
1...
2...
3!
Nagulat ako sa nakita ko. Hindi pala halimaw ang nasa damuhan kung hindi si Fiane na nakaupo sa sahig at hawak-hawak ang kaliwang paa niya na namamaga.
Isa lang ang masasabi ko sa sitwasyong ito... Awkward.
Hindi ko alam ang gagawin ko tutulungan ko ba siya? Tsk kung kailan mo naman iniiwasan yung tao saka pa pagkikitain.
Teka? Bakit ba siya nandito? Diba sumama siya sa ibang grupo?
Nakatingin lang siya sakin na halatang nagulat din sa nangyari at ganon din ako.
Nung parang natauhan siya bigla siyang tumayo at sinubukang tumakbo pero bigla siyang bumagsak sa sahig sabay hawak sa paa niyang namamaga.
No choice. Tinulungan ko siya makatayo.
Dinala ko siya sa malaking bato na kaninang inuupuan at dun ko siya pinaupo.
Tumingin ako sa mata niya at nagulat ako na nakatingin din pala siya sa'kin kaya in iwas ko yung tingin ko at ganun din siya.
Umupo na lang ako sa tabi niya pero sa lapag na dahil dapat may distansya kami dahil DAPAT NGA INIIWASAN KO SIYA! TSK!
Dinalaw nanaman ako ng antok kaya pumikit na lang ako at natulog.
~*~*~
Nakaramdam ako ng tubig na tumulo sa mukha ko kaya dinilat ko na ang mata ko.
Nakita ko si Fiane na umiiyak habang nakadungaw sa mukha ko. Pareho kaming nagulat sa isa't isa. Tumayo ako agad at tumalikod naman agad siya sa'kin habang nagkukusot ng mata.
Bakit baglang nawala yung galit ko sa kanya nung nakita ko siyang umiiyak?
Gusto ko siyang tanongin kung bakit siya umiiyak nang makita ko ang paa niya.
Hindi parin niya ginamot yung paa niya?
"Oy, bakit hindi mo pa pinagaling yung paa mo?" Seryoso kong tanong.
Napatigil siya sa pagkuskos ng mata.
"Totoo pala ang narinig ko."
Sabi niya habang ginagamot yung paa niya sabay takbo palayo sa'kin.
Narinig? Ano ba yung narinig niya?
BINABASA MO ANG
Ms. Fantasy meet's Mr. Reality
FantasíaPaano kung si Ms. Fantasy makilala si Mr. Reality? Sino kaya ang mananalo? sa larong... LOVE Game Start Plagiarism is a crime. Original written by: lovelyanime1 My 1st Story.
