Conquest 34 *Players*
Vincent's POV
"Ehem! Lara, Mike, Claire, Max, Charlotte, Dylan, kaya ko kayo pinatawag dito ay dahil may kailangan kayong gawing misyon." Sabi ko habang naglalakad paikot sa kanila.
"Boring," sabi ni Lara habang nagsusuklay ng buhok.
"Tungkol ba iyan sa anime?" Tanong naman ni Mike.
"May sahod ba? Magkano?" Tanong ni Claire.
"Ahh... Pwede bang taposin na natin ito, may trabaho pa kasi ako sa student council." Reklamo ni Max habang nakatingin sa relo.
"Ano kayang next na update ko?" Naka-nga-ngang sabi ni Charlotte.
"Pre, suntukan na lang oh, ikaw yung punching bag." Sumusuntok-suntok namang sabi ni Dylan.
Kung titingnan mo sila, akala mo ordinaryong tao lang sila dahil mukha silang mga tanga, mabuti pa ako gwapo na, gwapo pa hahahaha!
"Ano ba seryosohin n'yo nga! Ikaw Lara, suklay ka ng suklay diyan baka makalbo ka d'yan!" Sigaw ko sa kanya. Agad namang kumunot yung noo niya sabay hagis ng suklay sakin pero agad ako nakailag.
"Ikaw Mike, wag nga puro panget na anime ang iniisip mo!" Walang kumento si Mike pero si Fiane ay bigla akong piningot sa tenga.
Nakalimutan ko na Otaku rin pala si Fiane. Pagkapingot niya sakin ay agad siyang pumunta kay Mei at niyakap niya ito.
"Sorry Claire pero walang bayad, at... Wag kang magalala Mr. President malapit na ito matapos." Nagbuntong hiniga lang silang dalawa sa sinabi ko.
Nilapitan ko si Charlotte dahil kanina pa naka nga-nga eh. "Uy, Charlotte pwedeng isara, polluted na ang pilipinas wag ka na sumama." Bumalik nanaman sa katinuan si Charlotte pero inirapan ako.
"At ikaw Dylan PERE, nanadiyan naman ang pader, handang makipag-bakabakan. Ayokong masira ang gwapo kong mukha eh." Nakita kong binelatan ako pagkatalikod ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Ms. Fantasy meet's Mr. Reality
FantasyPaano kung si Ms. Fantasy makilala si Mr. Reality? Sino kaya ang mananalo? sa larong... LOVE Game Start Plagiarism is a crime. Original written by: lovelyanime1 My 1st Story.
