Conquest 52 *Reason of Past*

327 22 1
                                        

Conquest 52 *Reason of Past*

Mateo's POV

"Hahahaha! I can see you all! Ngayon pwede ko nang simulan ang totoong laro."

Biglang napaluhod ang mga kasama ko bukod samin nila Hina at Mei.

"Sorry, hinayaan ko siyang maka sunod sakin." Sabi ni Hina.

"Wala kang kasalanan." Sabi ko sa kanya.

"Mukhang pinlano niya ang lahat." Sabi naman ni Mei.

Lumapit siya kina Fiane na kasalukuyang naka upo at namimilipit sa sakit. Sumunod na rin kami ni Hina sa kanila.

"Fiane, Kaya mo bang gumamit ng kapangyarihan?" Tanong ni Mei.

Tumango lang siya at nilagay ang kamay sa tiyan niya at sinubukang pagalingin ang sarili pero imbis na gumaling siya, isang itim na usok ang lumabas sa kamay niya kaya agad na tinanggal ni Mei yung kamay sa tiyan niya.

"A-anong nangyari?" Gulat na gulat na sabi ni Mei.

"Bukod sa mga mata ko, isa iyan sa kapangyarihan na wala kayong laban haha!" Isa muling boses ang umalingaw-ngaw.

Nakita namin si Satan sa likod namin na naka ngiti.

"Anong ginawa mo sa kanila!" Sigaw ni Mei na galit na galit.

"Ano ginawa ko? Hmm... sabihin na lang natin na wala na silang kwenta dahil hindi na nila magagamit ang binigay mong kapangyarihan!"

Winasiwas ni Satan ang kamay niya at agad na tumalsik si Mei sa pader.

"Mei!" Sigaw ni Hina habang tumatakbo papunta kay Mei.

Sa sobrang inis ko, pinaulanan ko si Satan ng malalakas na suntok pero walang tumama kahit isa.

Pumorma ako para muling umatake pero naunahan niya ako. Sinikmuraan niya ako kaya napahinto ako. May lumabas na dugo sa bibig ko na agad kong pinunasan.

"Hanggang diyan lang ba ang kaya mo?" Sabi ni Satan na may pang i-insultong tono. Dinungaw niya ang mulka niya sakin at parang kumislap ang mata niya hudyat na gagamitin niya ang mata niya kaya agad kong pinikit ang mga mata ko.

"LUHOD!" Sigaw niya sabay suntok sa mukha ko kaya sumub-sob ako sa lupa.

Sumunod naman siyang pumunta sa kinaroroonan nila Fiane at Ashley.

Tinignan lang niya sila at nag squat para mapantayan sila. "Kayo pala ang anak ng mga manloloko, hmm maamo ang mga mulka niyo katulad ng magulang niyo. Haha akala mo mababait pero traydor pala!" Sigaw nito.

"A-anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Fiane.

"Sabihin mo, kilala mo ba ang magulang namin?!" Sigaw naman ni Ashley habang hinahatak ang laylayan ng damit ni Satan.

Ms. Fantasy meet's Mr. RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon