Conquest 40 *Dog Life*

487 31 0
                                        

                 Conquest 40 *Dog Life*

                              Kate's POV

"Hindi ka pumasok sa isang relasyon para masaktan at lokohin ng taong mahal mo."

Akala nila Fiane at Alice interisado ako sa mga lalaki pero ang totoo ay nagpapanggap lang ako para hindi sila magalala sakin.

Galit ako sa mga lalaki dahil may isang taong nanakit sakin noon... At nakikita ko siya sa pagkatao ni Rex. Inaamin kong hindi pa ako nakaka-move Kaya ganon na lang ang sakit na nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko si Rex.

Palaging nakangiti, palabiro at mabait na kaibigan iyan ang pagkakapareho nila.
Kaya nung nalaman kong kasama ko siya sa misyon na ito... Nagdalawang isip akong pumunta pero naisip ko na baka ito na ang pagkakataon na ibahin ang tingin ko sa kanya at maging kaibigan.

Kasalukuyang naglalakad kami ni Rex sa loob ng mansyon kung saan dinala kami ng portal.

Napakalaki ng mansyon na ito yung tipong hindi kayo magkikitaan. Malinis din at ang bango ng paligid.

"Ang ganda," pulong ko sa sarili ko habang nakatitig sa fountain na may iba't ibang ilaw.

"Teka! Ito yung napaginipan ko kagabi ah." Gulat na gulat naman niyang sabi at nakaturo pa sa fountain.

Okay chance ko na ito! Magiging mabait na ako sa kanya.

Tumingi siya sakin habang nakangiti, agad namang tunaas ang dugo ko sa katawan.

"Who cares."

Inirapan ko siya at inunahang maglakad.

"Awww, bakit ka ba galit sakin? May ginawa ba ako sa'yo?" Nakangiti parin siya habang sinasabi iyon at sumunod na siya sakin sa paglalakad.

Marahan kong niyuko ang ulo ko at dahan-dahan kong sinakal ang sarili ko.

Tanga mo Kate! Kakasabi mo palang na magiging mabait ka sa kanya, ANONG GINAWA MOOOO!

"Hmm? Kate may stiff neck ka ba?" sinilip niya yung ulo niya para makita yung mukha ko.

Binitawan ko na yung leeg ko at yung sa kanya naman yung sinakal ko.

Habang sinasakal ko siya ay lalo lang siyang tumatawa... Katulad ng tawa ni Roland ( boyfriend )

"Bakit ka ba tawa ng tawa hah!" Lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa leeg niya na halos mapaupo siya sa sahig at paubo-ubo, nagpadala nanaman ako sa emosyon. Binitawan ko na siya ng dahan-dahan at yumuko na lang ulit.

"Hahaha masaya kasing tumawa,"

Napatingin ako sa kanya dahil iyon ang eksaktong sinabi ni Roland sakin. Nagulat ako nang biglang pinisil ni Rex ang dalawa kong pisngi.

Ms. Fantasy meet's Mr. RealityMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon