Conquest 38 *Story Book*

631 31 5
                                        

             Conquest 38 *Story Book*

                        Charlotte's POV

Naalimpuyatan ako nang may biglang dumagan sa mukha ko. Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at nakita ko ang isang cute daga na nakatingin sakin.

May ribbon siya sa ulo na parang katulad Kay Minnie mouse at nakadress pa!

Dahan-dahan ako akong pumikit at dilat din agad. Baka kasi nananaginip lang ako eh. Pero nung pagdilat ko, nandito parin siya kaya muli akong pumikit para makasiguro.

"Hay, kahit anong gawin mo hindi ako mawawala dahil hindi ka nananaginip."

Napadilat ako agad at napatakip ng bibig nang makita ko ang kaninang isang daga at naging pito na at mga nagsasalita pa!

Punaghahahagis ko sila at tumakbo na ako kaya lang biglang nagsalita ang isang daga habang hinahabol ako. Alam ko mukha kaming tanga dahil naghahabulan kami eh pwede ko naman silang apakan pero sino ba namang may kayang lapitan ang pitong dagang nagsasalita? sige nga!

"Sandali lang Storm White, antayin mo kami!"

Napatigil ako sa pagtakbo at humarap sa kanila.

Anong sabi niya Storm White? Diba Snow White yun? O sandyang may tutuli ako sa tenga?

"Hah, kailangan na nating umuwi sa bahay at baka maabutan ka ng mahal na reyna." Sabi ng daga.

Tumgango na lang ako at sumunod sa kanila. Ngayon ko lang napansin na nasagubat pala kami.

Matapos ang ilang minutong paglalakad ay huminto sila sa isang malaking pinya na may pinto, yung parang bahay ni spongebob.

"Mabuti na lang at nakarating tayo agad dito bago maggabi woh!" Sabi ng daga habang naglalakad papunta sa malaking pinya.

"N-nasaan ang tinutukoy mong bahay?" Tanong ko sa isang dagang may blue ribbon sa ulo.

Tumuro siya sa harapan kung saan nandoon ang pinyang bahay tsaka tumakbo na papasok.

Ewan ko pero bigla akong naguluhan sa nangyayari. Kanina tinawag akong Storm White ( Snow White ) tapos ngayon nandito ang bahay ni sponge bob, ako ba'y pinaglololoko niyo!

Pagpasok ko naman sa bahay ay biglang bumungad sakin ang nagyeyelong sahig, sa totoo lang pagpasok mo ay para kang nasaloob ng refrigerator sa sobrang lamig. Pumunta ang mga daga sa second floor kaya sumunod na rin ako. Oo may second floor ang PINYANG bahay na ito.

Pagtapak na pagtapak ko palang sa second floor ay napatalon ako sa gulat dahil may narinig akong kumakanta.

"~Let it go, let it go
I can't hold back anymore
Let it go, let it go~"

Ms. Fantasy meet's Mr. RealityMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon