Conquest 37 *My Small but
Terrible Bag*Claire's POV
"Haaaaaaaaaa!" Sigaw ko habang nakikipaglaban sa mga halimaw.
Kinuha ko ang small knife sa bulsa ng belt ko at sinaksak sa kaliwang dib-dib ng naglalaway na halimay na ito.
Pagkasak-sak ko ay bigla siyang umungol at nabasag na parang salamin at kasabay nito ang paglaglag ng gintong barya. Pinulot ko naman ito at inilagay agad sa bag.
Sinugod ko naman ang iba pang mga halimaw, pagod na pagod na ako dahil hindi maubusan ng halimaw dito. Napatingin ako sa kinaroroonan ni Max.
Nandoon lang siya sa ilalim ng puno, nagpipipindot lang siya sa maliit na monitor at kusa nang sumasabog ang mga halimaw.
Nakalainggit naman yung powers niya, pipindot ka lang at mamamatay na ang kalaban mo, hay pang tamad nga eh biruin mo nakaupo lang siya samantalang ako tagaktak na ang pawis hindi pa maubos-ubos!
Mukhang napansin niya akong nakatingin sa kanya kaya agad akong tumingin sa ibang direksyon.
"Pagod ka na ba? Kung gusto mo magpahinga muna tayo." Sabi ni Max pero pumipindot parin siya.
"Hindi pa ako pagod, ikaw na lang ang magpahinga kung gusto mo!" Tumakbo ako papunta sa halimaw at sinubukan siyang saksakin pero mabilis siyang kamulos kaya para akong nakikipaglaban sa hangin.
"Graaaaaa!" Muli kong inatake ang halimaw, sumaksak ako sa kaliwa, kanan, taas at baba pero wala paring epekto, hindi ko parin siya mapatay-patay.
Sa sobrang inis ko, hinagis ko yung bag ko sa kanya pero nakailag parin siya. Nagulat na lang ako dahil parang nanginginig yung bag ng magisa. Kinabahan ako kaya medyo lumayo ako sa bag pero nakatingin parin dito.
Ilang saglit pa ay may lumabas na missile mula rito at tumama sa halimaw na kanina ko pa pinapatay. Pakatama ng missile ay agad itong nabasag at may nahulog na ginto.
Lumapit ako ng dahan-dahan sa kinaroroonan ng ginto para sana pulutin pero napatago muli ako dahil may lumabas na mga parel sa paligid ng bag at nagpaputok kung saan-saan kaya napatakbo ako papunta kay Max.
"M-M-Max y-yung bag ko," nanginginig kong sumbong habang nagtatago sa likod niya at nakaturo sa bag.
"A-ano bang ginawa mo sa bag at biglang nagkaganyan?" Sinalag niya ang bala na pumunta sa lugar namin gamit ang pagpindot niya sa monitor. Agad na may lumabas na barrier palibot saming dalawa.
"K-kasi nainggit ako sa powers mo kaya sinubukan kong kalabanin ang leader ng mga halimaw pero hindi ko matamaan kaya sa sobrang inis ko..."
BINABASA MO ANG
Ms. Fantasy meet's Mr. Reality
FantasiaPaano kung si Ms. Fantasy makilala si Mr. Reality? Sino kaya ang mananalo? sa larong... LOVE Game Start Plagiarism is a crime. Original written by: lovelyanime1 My 1st Story.