Conquest 17 *Money*
Fiane's POV
"_ I _ _ L _ _ _ _ , so L ang second word." Sabi ni Mei habang nakatitig sa notebook. Nandito kami sa rooftop nakaupo at kumakain. Tumayo na si Vincent at aakmang aalis na pero napigilan ni Mei.
"Oy! Good luck sa task ah." Sigaw ni Mei habang kumakaway.
Humarap siya samin at ngumiti "You don't need good luck me because i'm the luckiest man in the world."
"Wooo! Nasobrahan ka ba ng tulog kaya ganyan ka." Asar ni Mei. Nakita ko namang nagpipigil ng tawa si Hina.
"Hindi, baka nasobrahan sa katol hihi." Sabi ni Hina.
Sumimangot lang si Vincent sa sinabi nila at tuluyan nang umalis.
"Nagkatampuhan ba kayo ni Vincent?" Nagulat ako sa tanong ni Mei kaya hindi agad ako nakasagot.
"Hindi dapat kayo magtampo kasi sayang ang closeness niyo eh." Sabi naman ni Hina.
"H-hindi naman kami close ah!" Tanggi ko eh bakit totoo naman ah.
"Kung hindi kayo close eh bakit kayo nagaaway?" Tanong ni Mei.
"Hah?" Inosente kong tanong.
"Hindi naman magkakatampuhan ng ganyan ang taong kung hindi sila ganon ka-close diba?." Sabi ni Hina.
"At kung hindi kayo close eh di sana hinayaan mo na lang kung ano man yung ginawa o sinabi niya para hindi kayo nagaaway ngayon. Ibig sabihin may pakialam ka sa kanya." Paliwanag ni Mei.
"At ibig sabihin CLOSE kayo!" Habol pa ni Hina habang ngiting-ngiti pa.
Huminga ako muna ako ng malalim bago ko ikwento yung nakita ko sa library.
"Hmm... Alam ko yung tawag diyan eh. Yung ayaw mong nakikita na may kasama siyang iba, ano nga ulit yun?" Sabi ni Mei habang nakangiting pang kambing- este ngiting pangasar.Nakita kong nagsulat si Hina sa papel at ipinabasa saakin.
Ang tawag diyan ay SELOS! Nagseselos ka dun sa babae!
BINABASA MO ANG
Ms. Fantasy meet's Mr. Reality
FantasyPaano kung si Ms. Fantasy makilala si Mr. Reality? Sino kaya ang mananalo? sa larong... LOVE Game Start Plagiarism is a crime. Original written by: lovelyanime1 My 1st Story.
