Conquest 27 *Bye bye*

638 39 1
                                        

               Conquest 27 *Bye bye*

                            Fiane's POV

Is it real? Is it real?
Dan Dan Dan Tapos na~
Dan Dan Dan pait ng real
Lasap na lasap real na real, real na real Dan Dan Dan Tapos na~

"Is it real? Is it real! Matatapos na ang bakasyon! Waaaaa! Hindi ko pa nagagawa lahat ng gusto ko! Manahimik ka, bakit ba naiba yung lyrics ng kanta mo sapul sakit." Sigaw ko habang nakadikit yung noo ko sa screen ng TV. 

"Ate ikaw lang ang nagiisip ng ganyan kasi AYAW mong pumasok diba? At pwede ba layuan mo yung TV at baka magas-gasan pa kawawa naman eh." Sabi ni Ashley habang tinutulak ako palayo ng TV.

"Oh tama na iyan baka magkilitian nanaman kayo, at ikaw Fiane wag mong ihaharang iyang likod mo tignan mo nangyari sa tatay mo nakatulog agad." Sabat naman ni mama habang ngumunguya ng mani.

"Eh bakit naman nakatulog, ano ba yung likod ko?" Tanong ko habang nakapout hihi paawa effect.

"Mukha kasing kama!" Sabay na sigaw nila Ashley at mama, iyan tuloy nagising si papa hahaha ang cute nila.

Babalik na sana ako sa panonood nang biglang tumunog yung cellphone ko. Tumayo ako para tignan kung sino yung nagtext. Katulad ng inaasahan ko si Mei nga, ...well sila lang naman ang nagt-text sakin eh hihi.

To: Fiane

Pumunta ka sa pinaka mataas na lugar dito. We need to talk.

Ms. Fantasy meet's Mr. RealityMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon