Conquest 49 *Finding way to your heart*
Vincent POV
Gawing author ang sarili? Paano ko naman gagawin yon Tsk!
"Hmm... sa mga nababasa ko at napapanood, kapag galit ang heroine sa hero, palagi na lang sino-sorpresa ng hero ang heroine at pagkatapos nun ayos na sila."
"Hay, para namang ganon lang kadali iyon." Sabi ko habang ginugulo ang buhok.
Napatingin na lang ako sa langit na may dunadaan na bulalakaw at kumikinang na kung ano.
Pansin ko lang, madami na rin pala ang nagbago sa lugar na ito simula nung pumasok kami. Parang nagiging totoong mundo na, Dahil sa pagka-kaalala ko nasa loob parin kami ng dungeon. Kulob ito dati may dingding may tiles na lapag at may kisame pa pero bakit may mga bulalakaw, hangin at puno dito?
"Arf arf arf!"
Naudlot ang pag uusisa ko sa paligid nang may narinig ako ng tahol ng aso na parating sa kinaroroonan ko.
"Arf arf arf arf!"
Tahol ng aso na kasama si Mateo habang naghahabulan. Mabuti pa sila walang problema.
"Mukhang nag ka-kamabutihan kayo ah." Sabi ko habang naglalakad papunta sa kanila.
Agad naman silang napatigil sa pagtakbo at tumingin ng masama sakin.
"Strict to one bro, kay Hina lang ang puso ko." Sabi ni Mateo habang ngiting-ngiti.
"Arf arf arf arf!" Sabi naman ni Rex.
Tama, si Rex ang asong ito. Dahil ang pagiging aso ang kapangyarihan niya.
Nagpalit agad sa pagiging tao si Rex at pinagpag ang sarili.
"Bro, ma-iba ako ah. Nag kabati na ba kayo ni Fiane?" Tanong ni Rex na seryoso ang mukha.
"Hindi pa nga eh- teka may naisip na ako para mag kausap kami pero kailangan ko ang tulong niyo." Naka isip na ako ng gagawin, isang malaking... surpresa.
"Sige ano ba iyon?" Sabi ni Mateo at tumango naman si Rex.
"Ito ang plano...
Sana maging katulad sa mga palabas at libro ang plano ko... SUCCESS!
~*~*~*
Mei's POV
Nasaan na kaya si Fiane? Sigurado akong matutuwa siya dahil paborito niyang pagkain ang naka- handa.
Nakita ko siya sa ibaba ng puno. Nakaupo lang siya at nakapikit, pero hindi siya natutulog mas mukha nga siyang nag yo-yoga sa pwesto niya eh.
Hindi ko na pinansing ang ginagawa niya at agad akong lumapit sa kanya.
"Fiane tara kumain na tayo." Alok ko sa kanya na may malawak na ngiti.
Napadilat siya dahil sa gulat.
"Kasama si ba Vincent?" Tanong niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/28547197-288-k355117.jpg)
BINABASA MO ANG
Ms. Fantasy meet's Mr. Reality
FantasyPaano kung si Ms. Fantasy makilala si Mr. Reality? Sino kaya ang mananalo? sa larong... LOVE Game Start Plagiarism is a crime. Original written by: lovelyanime1 My 1st Story.