Conquest 31 *Paper and Pen*
Vincent's POV
Isang araw na maaliwalas, naglalakad ako papuntang classroom habang nagbabasa ng paborito kong libro nang magulog ako sa bangin at nawalan ng malay.
Pagmulat ng mata ko may nakita akong gwapong lalaki na nakasilip sa mukha ko. Napatalon ako ng mataas sa gulat at nakaalis ako ng bangin.
Nung aalis na ako biglang may humawak sa braso ko at hinarap sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso ko nung makita ko kung sino ang humawak sakin. Siya yung lalaking kanina at nasabangin. Bahagya niya akong nginitian at hinalikan.
The End
"A-anong tawag mo rito?" Tanong ko kay Charlotte habang nakahawak sa noo ko.
"Love story." Buong lakas niyang sagot sakin habang kumikinang ang mga mata.
Napatayo ako sa kinauupuan ko at pinagiisipan ko anong tamang salita para sabihin na ang story niya ay walang katuturan.
Muli kong tinignan ang papel kung saan nakasulat ang kanya istorya. Nagbuntong hininga na lang ako at tinignan si Charlotte.
"P-parang masyadong mabilis ang pangyayari at sibrang konti?" Hindi lang mabilis, sobrang bilis ng pangyayari biruin mo naglalakad lang papuntang classroom tapos nahulog na agad sa bangin, KAILAN PA NAGKAROON NG BANGIN SA SCHOOL!
Tapos nagulat lang at napatalon tapos nakaalis na sa bangin, GAANO BA SIYA KATAAS TUMALON! At eto pa, hinawakan lang sa braso at nginitian nagkatuluyan agad? Ito na ata ang pinaka magandang storing nabasa ko!
"Mabilis pa ba iyan? Eh pinaka mahaba ko nang nasulat iyan eh." Sabi ni Charlotte sabay hablot ng papel mula sa kamay ko.
"MAHABA NA IYAN SA IYO!" Gulat na gulat kong tanong dahil diba nagbabasa naman siya ng mga libro, eh bakit parang wala siyang idea kung paano gumawa ng istorya.
Tumango lang siya at muling tumingin sakin. "Mukhang kailangan ko ng tulong mo." Sabi niya.

BINABASA MO ANG
Ms. Fantasy meet's Mr. Reality
FantasiaPaano kung si Ms. Fantasy makilala si Mr. Reality? Sino kaya ang mananalo? sa larong... LOVE Game Start Plagiarism is a crime. Original written by: lovelyanime1 My 1st Story.