Conquest 28 *Mr. Penguin*
Fiane's POV
Puti, mausok pero maaliwalas, mahangin at masarap sa pakiramdam.
"N-nasaan ako? Siguro ito na yung tinatawag nilang HEAVEN."
Naglalakad ako sa mga ulap, nagiisip-isip, bakit sobrang bilis ng mga pangyayari? Talagabang patay na ako?
"...hmm waaaaaaa!" Tumatalon ako na parang bata, parang batang... Umaasa kay Santa... Umaasang hindi pa ito ang kataposan.
Itinigil ko na ang pagtalon at muling naglakad pero unang hakbang palang ay biglang nabutas ang ulap at mabilis akong nahulog pababa.
Haha mulhang hindi ako tanggap ni God, mulhang sa impyerno ang bagsak ko ah. Bakit kasi ako tumalon doon eh, tuloy hmp!
"Waaaaaaaaaaa! Mahuhulog na akooooo!"
"Uy, late reaction ka naman eh, kanina ka pa kaya bumagsak dito."
Idinilat ko ang mga mata ko at may nakita akong penguin na may hawak na orasan at nagsasalita sa harap ko. Agad kong binuhat yung penguin at niyakap ng mahigpit. Syempre susulitin ko na ito, minsan lang ako makakita ng tunay na penguin hindi puro yung pagmumukha na lang ni Vincent na mukhang penguin ang nakikita ko.
"B-bitawan mo nga ako! H-hindi ako makahinga!" Pagpupumiglas niya.
"Ay, sorry akala ko kasi stuff toy eh." Agad ko naman siyang binaba.
"Ah! Tingnan mo ang ginawa mo, mahuhuli na ako!" Sabi niya habang nakatingin sa orasan at tsaka tumakbo palayo.
Wala akong alam dito kaya sinundan ko nalang siya. Puro malalaking puno ang makikita mo rito at puro lubak-lubak na daana kaya nahirapan ako sa pagsunod sakanya pero bakit siya kahit maliliit yung mga hakbang niya nakakaalis siya agad sa mga sanga.
"Mr. Penguin anong pangalan mo?"
"Hindi ba halata? Ako si penguin at bakit ka ba sumusunod sakin ah." Lumusot siya sa sanga pero ako naumpog lang, salamat at nahabol ko siya agad.
"A-ako si Fiane, tanong ko lang saan ka pupunta at bakit ka nagmamadali?"
"Hindi ko tinatanong yung pangalan mo staka ikaw ang fahilan kung bakit ako nagmamadali ngayon!"
![](https://img.wattpad.com/cover/28547197-288-k355117.jpg)
BINABASA MO ANG
Ms. Fantasy meet's Mr. Reality
Viễn tưởngPaano kung si Ms. Fantasy makilala si Mr. Reality? Sino kaya ang mananalo? sa larong... LOVE Game Start Plagiarism is a crime. Original written by: lovelyanime1 My 1st Story.