Conquest 51 *Longlasting You*

366 23 0
                                        

Conquest 51 *Longlasting You*

Fiane's POV

Sabihin niyo, anong nangyari kahapon!? T-totoo ba... umamin ako kay Vincent? At totoo bang h-hinalikan niya ako!?

"Waa-

Sisigaw sana ako nang napansin ko na tulog pala ang mga kasama ko.

Tumingin ako sa paligid, napaka gulo dahil sigiro sa party kahapon. Nagligpit ako ng mga kalat at nahagip ng mata ko si Vincent na nakaupo sa upuan at nakasubsob ang mukha sa mesa habang natutulog.

Dahan-dahan ko siya nilapitan at tinabihan.

Bakit ganon, mukha siyang anghel kapag tulog. Kapag gising naman para siyang prinsepe, masyadong unfair. Ako nga gising man o tulog mukha akong tindera ng gulay.

Hinimas-himas ko ang ulo niya habang nakatitig parin sa kanya.

"Mahal mo ba talaga ako?" Nulong ko sa tenga niya.

"Hahaha parang baliw ako, hindi naman sasagot ang tulog eh." Bulog ko sabay talikod sa kanya.

"O-oo..."

Napatingin ulit ako kay Vincent.

S-s-sumagot ba siya! Sumagot nga siya! Mahal niya daw ako waaaa!

Dali-dali kong kinuha yung mga basura at tumakbo palabas sa bahay.

~*~*~

"Waaaaa! Kinikilig ako! Tama na!"
Nagsisisigaw at nag tatatalon ako sa labas.

"Totoo nga, hindi ako nananaginip-huminto ako sa pag sasalita dahil may narinig akong kaluskos sa damuhan na malapit sa kinaroroonan ko.

"S-sino iyan? Lumabas ka hindi ako natatakot sayo!"

"Fiane ikaw ba iyan?" Sabi ng babaeng galing sa damuhan.

Unti-unti kong naaninag kung sino iyon.

Napahinto ako sa pag hinga at napaturo na lang sa babae nung malaman ko kung sino siya.

"Hina!"

Tama si Hina ang lumabas sa damuhan. Hindi ko alam kung maniniqala akong siya talaga iyan.

"Waaaaa!" Tumakbo ako palayo sa kanya.

"Teka Fiane bakit ka tumatakbo?" Mahinahon niyang tanong.

"E-eh baka kasi patibong nanaman eh." Sabi ko habang nakatago sa isang puno.

"Haha wag kang mag alala ako talaga ito, ang totoo niyan natakasan ko si Satan."

Ms. Fantasy meet's Mr. RealityMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon