Conquest 29 *Back to Mission!*

760 33 1
                                        

Conquest 29 *Back to Mission!*

Hina's POV

"Hoy! Panget palabasin mo ako dito!" Sabi ko habang sinusubukan makawala sa nakakabit saking mga kadena.

"Hahaha, ano ako tanga! Mukhang nahawa ka na ng kabobohan ng mga tao ah." Lumapit siya sakin at hinawakan ang buhok ko.

Nung lumalapit siya na parang aamoyin yung buhok ko, bigla ko siyang dinuraan sa mukha. "Wag na wag mong sasabihan ng ganyan ang mga kaibigan ko!" Sabi ko sabay tulak sa kanya.

"So, kaibigan mo pala iyon, eh kung... Patayin ko silang lahat eh di mag-isa ka na lang hahahaha!"

Ito kahit kailan mukhang kwago kung tumawa walang emosyon eh kaya imbis na magalit ako sa sinabi niya, natatawa na lang ako hindi kasi kapani-paniwala sa tawa pa nga lang niya 0% na.

"Oh, bakit ka tumatawa diyan? May sinabi ba akong nakakatawa?"

"Wala, para kasing kwago yung tawa mo eh!" Bigla kong kinagat yung labi ko. Ano ba yan, masyado kasi akong honest eh tuloy nagalit hihi.

"Ano! Sinong kwago?" Lumapit ulit siya sakin.

"Ikaw- ay!" Patay na! nanginginig na siya sa galit oh.

"GINAGALIT MO BA AKO!" Sigaw niya.

"Hindi ah,... Slight lang hihi." Pabalang na sagot ko sa kanya.

"Aba talagang- pilosopo ka ah!"

"Tao ako noh." Sagot ko.

Tumalikod siya sakin at sinuntok yung pader. "BAHALA KA DIYAN! MAGSAMA KAYO NG TATAY MONG PILOSOPO!" Sabi niya sabay padabog na umalis.

Kamusta na kaya sila roon?

Vincent's POV

"Ibon!" Sabi ko.

"Tao!" Sabi ni Fiane.

Hinagis na ni Mei yung piso at ang lumabas ay- napa-palmface na lang ako dahil tao yung lumabas. Ang ibig sabihin niyan ay ako nanaman ang mauunang gumawa ng task. Tapos na ang bakasyon at balik ulit sa pangongopya- este pagaaral.

Ms. Fantasy meet's Mr. RealityMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon