Conquest 45 *I know her!?*

442 25 4
                                        

Conquest 45 *I know her!?*

Someone's POV

Meron bang taong walang sekreto?

Wala, dahil lahat tayo ay may lihim kahit sabihin mong kilalang-kilala mo na siya.

Kahit ako merong sekreto na hindi alam ng mga tao lalo na ng pamilya ko.

Sabihin niyo ng ako ang pinakamasamang tao.

I have no choice.

Kaya ngayon, pamilya ko ang pinaparusahan sa sarili kong kasalanan.

~*~*~

Nakita kong kinakabahan ang lalaki sa magiging desisyon nito.

Napansin kong tila bumulong siya sa hangin saka niya binunot ang espada at itinutok sa'kin. Alam ko na ito na ang kabayaran kaya hindi na ako kumibo at pumikit na lang.

Habang nagaantay ng tusok ng espada at may naramdaman akong ihip ng hangin sa may bandang leeg ko at kasabay nito ang tunog na parang may bumagsak sa lupa kaya dali-dali kong minulat any mata ko.

Tumambad sa'kin ang talim ng espada na nakatutok lamang sa leeg ko at si Fiane na nasalapag.

Bigla akong naguluhan dahil kahit sa'kin nakatutok ang espada... Bakit bumagsak sa lupa ang totoong Fiane?

"Kahit alam ko na kung sino sa inyo ang totoong Fiane, wala parin akong karapatan na kumuha ng buhay ng isang taong... Takot mamatay." Sabi nung lalaki habang ibinababa niya ang espada at tinutulungang makatayo si Fiane.

Panandilian akong natulala. Bigla ko kasi naalala ang masasayang panahon na kasama ang pamilya ko.

"P-paano mo naman nasabi na takot akong mamatay?" Nauutal kong tanong sa kanya.

Tumingin siya sa'kin ng seryoso pero agad baman itong ngumiti.

"Tsk! Kung hindi ka takot, bakit ka umiiyak?"

Agad akong napahawak sa pisngi ko. Basa nga ito pero bakit nga ba ako umiiyak?

Pinunasan ko na ang pisngi at mukha ko pero biglang tumakbo si Fiane papunta sa'kin at niyakap ako habang umiiyak.

"Waaaaa! Mabuti na lang buhay ka waaaa!" Ngawa niya.

"T-teka bakit ka ba umiiyak tingnan mo basa na yung damit ko!" Reklamo ko sa kanya.

"Huhu kasi hu... Ayokong makita ang sarili kong duguan at nakahilata sa sahig waaaa!" Lalo pang lumakas ang pagiyak niya.

Ms. Fantasy meet's Mr. RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon