Conquest 18 *Part time girl*

831 52 3
                                    

            Conquest 18 *Part time girl*

                           Vincent's POV

"Uy, gutom na ako kain muna tayo." Sabi ni Fiane habang himas-himas yung tiyan niya.

"Sa bahay mo na ikaw kumain." Sabi ko habang nagt-text.

"Ehhh! Hindi na a-abot, sige ka kapag ako nahimatay dito saluhin mo ako." Sabi niya na pagalit.

"Tsk, sige na nga. Mas gusto ko pang kumain ka kay sa buhatin ka mabigat ka eh." Mas binilisan ko yung lakad ko.

"Hoy! Hindi ako mabigat noh hmp." Sabi niya sabay palo sa braso ko.

Naglalakad kami ni Fiane nang bigla niya akong hinatak at itinuro niya yung isang restaurant na malapit samin.

"Tara dun tayo kumain!" Sabi niya habang hatak-hatak niya yung braso ko kaya wala akong nagawa kung hindi sumunod na sa kanya.

Nakaupo na kami at tumitingin sa menu kung anong pwedeng kainin. Tinawag na ni Fiane yung waitress. Teka, hindi pa ako nakakahanap ng i-order.

"May I take your order ma'am?" Sabi nung waitress, parang pamilyar yung boses niya.

"Isa ngang spaghetti bolognese at isang ice tea." Sabi ni Fiane.

Tumingin na ako sa waitress at nagorder na "isa ngang- napatigil ako dahil nakita ko ang isang babaeng mahilig sa pera yung ay si Claire.

"Oh, kuya Vincent hehehe." Sabi ni Claire sabay ngiti na parang may binabalak na masama.

"Bakit ka nandito- napatigil ako sa pagsasalita dahil naalala ko yung una naming pagkikita kaninang umaga. Magbabayad nga pala ako kapag kinausap ko siya.

"Magkakilala kayo?" Tanong ni Fiane na halatang nagtataka.

"Syempre, sino ba naman ang hindi makakakilala sa boyfriend ko." Sabi ni Claire sabay yakap sakin.

Napatingin ako kay Fiane, nagulat ako nang bigla siyang tumayo sa kinauupuan niya at naglakad palayo.

"Oy! Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya habang sinusubukan kong tanggalin yung pagkakayakap ni Claire sakin.

"Sa CR!" Pasigaw na sabi ni Fiane habang padabog na naglalakad.

Nung nakapasok na si Fiane sa CR agad namang humiwalay si Claire sa pagkakayakap sakin at umupo sa tapat ng upuan ko.

Ms. Fantasy meet's Mr. RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon