Conquest 55 *Ending of the Game*
Mei's POV
Fiane, Vincent naaalala niyo pa ba nung nagkita tayo sa unang pag kakataon? Nagaaway kayo 'nun pero alam kong masaya kayo, binigyan niyo pa nga ako ng bagong pangalan diba? Alam niyo ba ang saya ko nung panahong iyon.
Naaalala niyo pa ba yung tanong niyo sakin, kung bakit kayong dalawa ang pinili ko para maging player 1 at 2?
"Dahil kayo ang sakto sa misyong ito, dahil wala kayong crush." Sorry walang kwentang sagot. Iyon lang kasi ang pumasok sa isip ko eh. Pero hindi lang iyon ang dahilan ang totoo niyan kayo ang aking... best friends.
~*~*~
Bago ako mapunta dito sa panahong ito, marami na ako napagdaanan na buhay o sa madaling salita, marami na ako naging buhay dahil isa akong "Extra Life."
Ang extra life ay isang replacement na tao. Mabubuhay ako kapag kulang ang bilang ng tao sa mundo. Nangyayari iyon sa mga nagkakaroon ng amnesia.
Ang mga taong may amnesia ay isang extra life dahil dinadag-dag lang kami ng Diyos para mabalanse ang mundo.
Ginagawan din niya ng mga bagong memorya ang mga taong may kilala dun sa may amnesia, halimbawa:
Sila ang mga mgagulang ko. Iniisip nila na nakasama nila ako dati dahil binigyan sila ng Diyos ng mga ala-ala na kasama ako pero ang totoo, ngayon lang kami nag kasama.
Mamamatay naman kapag sobra na ang mga tao. Kami naman yung mga natatamaan ng ligaw na bala dahil sa 1% na tyansa na kami matatamaan.
Mahirap ang maging Extra life dahil kahit gusto mong manatili sa panahong iyon ay bawal, sa ayaw at sa gusto mo mamamatay ka at mabubuhay muli sa ibang katauhan.
Pero sa bawat pag lipat ko ng buhay, palagi kong nakakasama sina Fiane at Vincent nung past life nila. Iba nga lang ang itsura, ugali at pangalan nila pero alam ko iisa lang sila.
Sila ang palagi kong kasama sa tuwing nabubuhay ako at sila rin ang kasama ko kapag namamatay ako.
Dahil sawang-sawa na ako sa kalagayan ko, naisipan kong makiusap sa Diyos na kung pwede wag na ako maging extra life.
Mabuti at pumayag siya kaya pinapili niya ako kung anong gusto ko maging.
At ang pinili ko ay computer dahil alam ko ang lahat at... pakiramdam ko kailangan ako ng lahat. Hindi na ako replacement, hindi na ako extra, may sariling pwesto na ako sa mundong ito.
Nung unang araw kong computer napunta ako sa mundo namin ni Hina at doon pinag experimentohan ako at ginamitan ng mga mahika kaya naging taong computer na ako at ako na si com-san.
Naging masaya kami ni Hina at naranasan ko ang maging normal na tao hanggang sadumating si Satan at nanggulo sa mundo namin kaya napilitan akong pumunta sa mundo ng mga tao.
BINABASA MO ANG
Ms. Fantasy meet's Mr. Reality
FantasíaPaano kung si Ms. Fantasy makilala si Mr. Reality? Sino kaya ang mananalo? sa larong... LOVE Game Start Plagiarism is a crime. Original written by: lovelyanime1 My 1st Story.
