Conquest 32 *Bad Guy!*

682 33 2
                                    

              Conquest 32 *Bad Guy!*

                     Someone's POV

"Sige! magpakasaya na kayo, at huling ngiti niyo na iyan hahahaha!"

Pinapanood ko sila Fiane, Vincent, Mei at si Mateo dito sa malaking screen habang masayang nagtatawanan at nagkukulitan nang biglang namatay yung screen kaya hinanap ko kung sino ang nagpatay.

"Oh! Bakit mo naman pinatay? Bakit? Naaawa ka ba sa kanila, Ashley? Hahaha."

"Hindi ako naaawa sa kanila. P-patayin mo sila basta tuparin mo ang pinangako mo!"

Nilapitan ko siya at ngitian sabay hablot ng remote mula sa kamay niya tsaka binuksan muli ang TV.

Habang nanonood, naalala ko na may surprise pala ako sa kanila. Tumayo na ako at pumunta sa portal.

Hahahaha! Wag kayo masyadong magsaya baka nakakalimutan niyo na nandito pa ako para paiyakin kayo, hahahaha!

                           Fiane's POV

"Hahaha barado ka lang samin eh!" Pangasar ko kay Vincent habang tinutusok yung tagiliran niya.

"Sige lang asarin niyo pa ako, kahit anong gawin niyo gwapo parin ako haha!" Tumayo siya at itinaas ang isang kamay na parang katipunerong... Penguin.

"Teka, naaamoy niyo ba iyon? Parang ang baho." Sabi ni Mateo habang nakatakip sa ilong niya.

Natawa kami ni Mei, nakita ko namang kiwlnwelyohan ni Vincent si Mateo pero agad din naman niya nilayuan at imupo na lang ulit.

"Haha balita ko gangster yung next task mo ah?" Sabi ni Vincent. Sus, iniba pa yung usapan haha guilty.

"Oo nga Fiane mukhang mahihirapan ka rito." Sabi naman ni Mei habang binabasa yung notebook.

"Ah, Mei sino nga pala yung task ko? Nakalimutan ko na kasi eh." Tanong ko.

"Si Dylan Landsceer, sabi dito siya raw ang gangster sa school niyo at wala ni isa ang hindi nakaka-kilala sa kanya." Paliwanag ni Mei, wee lahat ba kilala siya? Eh bakit ako? Wala hindi iyan sikat, mas sikat ang anime ko haha!

Ms. Fantasy meet's Mr. RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon