Conquest 25 *Exchange*
Vincent's POV
Palapit na yung lalaki saamin nang biglang tumili si Fiane sa loob ng elevator habang nakaturo dun sa likod nung lalaki. Kaya tumingin din yung lalaki sa likod niya. Nung nakatalikod na siya saamin biglang iniba yung direksyon ng tinuturo ni Fiane at napunta dun sa lalaki na parang sinasabi niya na "Ikaw na ang bahala."
Bago pa tumingin ulit yung lalaki saamin agad ko siyang sinuntok ng malakas at bumagsak naman siya sa sahig.
"Ow wait, wait, wait lang!" Pigil niya habang nakaangat yung dalawang kamay na parang sumusuko na.
"Anong binabalak mo? Bakit ka nandito." Tanong ko sa kanya habang hawak-hawak yung kwelyo niya.
"W-wala, wala akong binabalak kaya nga ako nandito ay para..." Pinutol niya yung sasabihin niya at yumuko. Tsk, pabitin pa ano bayan!
"PARA ANO!" Sigaw ko sa kanya na lalo ko pang hinigpitan yung paghawak sa kwelyo niya.
Hindi siya agad sumagot sahalip tumingin sa saamin pero nagiba yung kulay ng mata niya ang dating itim ay naging dark red na parang kulay dugo sa sobrang pula.
"Para tulungan kayong MAMATAY na agad." Sabi niya sabay pitik ng daliri.
"TAE, EH KUNG MAUNA KA!" Biglang sabi ng boses na kaboses ni-
Biglang may lumitaw na parang portal sa may pintuan ng elevator at lumabas doon sila Hina at Mei.
Third person's POV
"Wag kayong titingin sa mata niya! Huh! Sabi ko na eh, hindi ka dapat pagkatiwalaan Satan!" Sabi ni Hina habang nakaturo kay satan. Bakas sa mukha nito ang galit.
"Bakit? Anong meron sa mata niya magiging bato ba kami? Siya ba si Medusa?" Walang kwentang tanong ni Fiane habang nagtatago sa likod ni Vincent na parang cute na pusa.
"Nasakanya ang sleeping critical ni papa. Kapag tumingin ka sa mata niya makakatulog ka at hindi ka na magigising... Ang nakakalungkot wala itong gamot." Paliwanag ni Hina pero nakatingin parin siya kay Satan. Napa-pikit siya nung sinabi niya ang huling salita.
Dahan-dahan na lumapit si Satan kay Hina habang nakangiti ng masama.
"Hahaha, katulad nga ng sinabi ng papa mo matalino at maganda ka nga hahaha." Sabi ni Satan habang hawak-hawak yung baba ni Hina. Pero nakatingin lang si Hina sa ibang direksyon para narin sa Kaligtasan niya.
BINABASA MO ANG
Ms. Fantasy meet's Mr. Reality
FantasiaPaano kung si Ms. Fantasy makilala si Mr. Reality? Sino kaya ang mananalo? sa larong... LOVE Game Start Plagiarism is a crime. Original written by: lovelyanime1 My 1st Story.
