Conquest 24 *The Dream granter*

852 40 6
                                        

Conquest 24 *The Dream granter*

Fiane's POV

"A-ano bang nangyari?" Sabi ko habang sinusubukan bumangon sa hinihigaan kong kama- teka kama diba kanina lang eh nasa may tabing dagad ako?

"Waaaaaaaaaa!" Dali-dali akong bumangon at lalabas na sana ng kwarto nang bigla hinarangan ni mama yung pinto habang hawak-hawak pa yung sandok at nakaturo sakin.

"At saan ka naman pupunta aber? Gabi na oh." Tanong ni mama habang nakataas ang isang kilay.

"Ma, anong gabi na eh kanina lang eh 6:05 palang." Hindi sumagot si mama sa halip ay ngumuso siya sa wall clock sa bandang likuran ko, kaya agad akong lumingon sa likod at tinignan ang oras. 10:07 na!

"Anak hindi mo ba alam na isang araw kang tulog? Yung sinasabi mong 6:05 kahapon pa iyon dahil kaninang umaga ay hindi ka nagising. Ano bang ginagawa mo, naka drugs ka ba?" Sabi ni mama na may takot sa mukha.

"Kapag isang araw kang tulog nagd-drug ka na agad hindi ba pwedeng sleeping pills muna?" Pagbibiro ko pero ang totoo wala ako alam na isang araw na akong tulog.

"Ano yung kada gising mo inom ka kaagad?" Tanong niya na medyo natatawa na.

"Hmmm.... Depande sayo hahaha." Ano ba iyan hindi ako makatawa ng maayos dahil maraming tanong ang hindi pa nasasagot.

"Oh gising na pala si sleeping ugly." Sabi ni Ashley habang nagkukusot ng mata. Siguro nagising sa ingay namin ni mama.

"S-sinong sleeping ugly? Humanda kaaa!" Sabi ko sabay kiliti kay Ashley. Kahit palagi akong barado sa kanya close kami niyan.

"A-a-ate haha t-tama hahaha na hahaha!" Pagmamakaawa niya pero lalo ko siyang kiniliti sa bewang kaya lalong lumakas yung tawa niya.

"Hahaha mabuti na lang kamo dinala ka nung lalake kung hindi malungkot si Ashley ngayon." Sabi naman ni mama dahilan para mapatigil ako sa pangingiliti.

"M-masaya naman ako kahit wala si ate eh." Nahihiyang sabi ni Ashley.

"Ma, sino pong lalake?" Tanong ko habang bumibilis yung tibok ng puso ko.

"Siya rin yung nagdala ng cellphone mo sa bahay natin. Si gwapo Vincent ba iyon? Teka napapansin ko laging nandiyan siya kapag kailangan mo ng tulong ah, kayo na ba?" Sabi ni mama habang nakatingin sakin ng diretso.

Ms. Fantasy meet's Mr. RealityMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon