Conquest 7 * My Past Part 2 *

1.2K 73 20
                                        

Conquest 7 * My Past Part 2 *

Vincent's POV

Nandito ako sa labas ng classroom ni Lara dahil sisimulan ko na silang pagbatiin ng mga kaibigan niya at para magawa ko na yung main goal ko.

Maya-maya pa ay lumabas yung tatlong kaibigan ni Lara at dumaan sa harapan ko habang naguusap.

"Naaawa ako kay Lara kanina"
"Oo nga eh gusto ko sana siyang tulungan kaya lang..."
"Epekto kaya iyon ng ginawa natin sa kanya?"

Huh? Ano nanaman ba ang nangyari, bakit sila naaawa, epekto? Tsk

Lumabas na rin si Lara ng classroom, pero nung nilapitan at tinignan ko siya-

"Anong nangyari sayo? May bagyo ba sa classroom niyo? Sagutin mo ako!" Sunod-sunod kong tanong sakanya dahil gulo-gulo yung buhok niya tapos namamaga yung mata na halatang umiyak.

"Oh bakit ka nandito? Ang aga naman ng break niyo"

"Ah oo wala kasi gaming teacher- tsk wag mo nga ibahin yung topic, sagutin mo ako ANONG NANGYARI SA IYO!" Medyo napalakas yung boses ko kaya may ilang napatingin saamin kaya bigla kong hinatak si Lara palayo sa classroom nila.

"T-teka! Bakit ba tayo tumatakbo?" Tanong ni Lara habang tumatakbo

"Hindi ko rin alam!" Sagot ko dahil wala ako sa sarili

"Huh?" Nagtatakang sagot ni Lara

"Damn, no!" Sigaw ko sabay tigil ng pagtakbo dahilan para mabunggo ako ni Lara at matumba kaming dalawa

"Hindi kita matutulungat hanggat hindi mo sinasabi...bakit ka umiiyak?" Tanong ko dahil kanina ko pa napapansin na umiiyak siya habang tumatakbo kami

"... H-hindi ko na alam *Hugh* ang gagawin ko!" Sambit ni Lara habang bumubuhos ang luha sa kanyang mukha

Ikinuwento na sakin ni Lara kung ano ang nangyari sa classroom nila at kung bakit ganyan ang itsura niya.

**********

"Ano! Dahil lang sa math nagkaganyan ka na!" Gulat na gulat kong sabi dahil sa dahilan kung bakit gulo-gulo yung buhok niya ay pinagrecite siya sa harap eh hindi niya alam ang sagot kamot daw siya ng kamot sa ulo niya kaya nagulo. Tapos kaya naman daw namumula yung mata niya ay dahil nanood sila ng movie "Tuesdays with Morrie" ang title. Tsk ang ganda ng dahilan niya pang walang kwenta.

Ms. Fantasy meet's Mr. RealityMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon