Conquest 20 *Little brother II*
Vincent's POV
"Any progress?" Tanong ni Mei sakin habang nakaupo kami dito sa rooftop, matagal na ngang hindi ako nakapunta dito ah.
"Anong any progress?" Tanong ko rin sa kanya habang nagt-text.
"Tanong niya kung umuusad ka ba!" Biglang singit ni Fiane.
Ibinaba ko yung cellphone at hinarap si tongaw (tomato face + langaw) "Tinagalog mo lang eh, progress saan?"
"Ikaw na nga itong tinutulungan ikaw pa itong nagagalit, hmp!" Sabi niya sabay cross arms.
"Hahaha ayan nanaman sila." Sabi ni Hina habang tumatawa.
"Tsk, bahala ka nga, ano ba kasing progress iyan?" Tanong ko.
"Haha, tinatanong ko kung may progress ba sa task mo?" Sagot ni Mei.
"Aba! Syempre... Wala pa." Nahihiya kong sabi.
"Hah! Tingnan mo wala ka pang nagagawa hahaha aminin mo na kasi na ako ang mas magaling sayo hahaha." Pagmamalaki niyang sabi sabay tawang pang nababaliw dahil sobrang lakas.
"Bakit ko aaminin ang hindi naman totoo hah? Balita ko hindi mo manlang nadikitan yung score ni President ah." Asar ko sa kanya.
"Hmp! Chismoso." Bulong niya.
"Oh tama na iyan baka magaway nanaman kayo. Okay lang na wala ka pang alam sa ngayon Vincent basta hindi lalagpas ng tatlong araw." Sabi ni Mei samin.
Nagkwentuhan at nagasaran lang kami hangang magbell kaya tumayo na ako. "Princess first." Sabi ko habang nakaalalay ang kamay ko.
Dumaan na si Hina. "Princess of beauty." Nagthank you si Hina sakin. Nakita kong tinatawag na ni Hina si tongaw kaya dahan-dahan na naglakad sa harap ko. "Princess of insect in tomato land." Matawa-tawa kong sabi sa kanya habang dumadaan siya. Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sakin at bigla akong sinuntok sa sikmura. "Thank you prince of PENGUIN!" Sabi niya sabay takbo ng mabilis. Agad ko naman siyang hinabol dahil hindi ako makakapayag na laitin niya ang gwapo kong mukha.
![](https://img.wattpad.com/cover/28547197-288-k355117.jpg)
BINABASA MO ANG
Ms. Fantasy meet's Mr. Reality
FantasyPaano kung si Ms. Fantasy makilala si Mr. Reality? Sino kaya ang mananalo? sa larong... LOVE Game Start Plagiarism is a crime. Original written by: lovelyanime1 My 1st Story.