Conquest 14 *Tutorial Lessons!*
Fiane's POV
"Ano! Magpapataasan kayo ng score sa exam!" Gulat na gulat na sabi ni Mei. Bakit porket hindi katalinuhan bawal na pumayag sa hamon?
"Kung kakailanganin mo ng tulong nandito lang kami ah." Sabi ni Hina na may pagaalala sa mukha. Oo na ako na,ako na bobo, mga MUKHA niyo tingnan niyo!
"Tsk wag na kayong umasa diyan. Siguradong babagsak at babagsak din naman iyan. Iyan pa haha." singit ni Vincent habang naka higa sa lapag ng rooftop at naka pikit pa.
"Okey na eh, umepal ka lang!" sabi ko kay Vincent sabay apak ng tiyan niya, kaya napatayo naman siya ng wala sa oras.
"Anong subject ang paglalabanan niyo?" Tanong ni Mei.
"Ehh... Sabi niya lahat daw." Sabi ko na may pagtataka pa.
"LAHAT!" Sabi nilang tatlo. Si Mei napaubo, si Hina napatakip ng bibig at si VINCENT naman ay walang humpay na tumatawa.
"W-wag kang magagalit ah p-pero mukhang imposible kang manalo sa kanya dahil bukod sa siya ay President ng school, siya rin ang valedictorian." Sabi ni Hina.
"Diba kapag gusto may paraan?" Reklamo ko.
"Pero kapag ayaw may dahilan." Matawa-tawang sabi ni Vincent.
"Kanina ka pa ah! Kapag talaga nataasan ko siya ipapamudmod ko yung grades ko sayo!" Galit na sabi ko. Hay, walang araw na hindi niya ako inasar.
"Hahaha KAPAG LANG!" Asar pa niya kaya kinuha ko yung sapatos ko at ibinato sa mukha niyang mukang penguin pero agad siyang nakaiwas.
"Thank you ah!" Sabi niya sabay kuha ng sapatos ko at tuluyang bumaba kaya nagpaa na lang ako at hinabol siya.
**********
"Hoy! Akin na iyan wag kang bakla hindi kasya sayo iyan barko yung paa mo eh." Sigaw ko habang hinahabol ko siya.
Napatingin ako sa paligid at papunta pala kami sa classroom, nung bumalik ako sa atensyon sa kanya nagulat ako dahil bigla siyang tumigil kaya sumalpok yung ilong ko sa matigas niyang likod.

BINABASA MO ANG
Ms. Fantasy meet's Mr. Reality
FantasyPaano kung si Ms. Fantasy makilala si Mr. Reality? Sino kaya ang mananalo? sa larong... LOVE Game Start Plagiarism is a crime. Original written by: lovelyanime1 My 1st Story.