Conquest 19 *Little brother*

859 52 2
                                        

Conquest 19 *Little brother*

Claire's POV

"Bakit ba ang hilig mo sa pera hah?" Tanong niya.

"Kasi ang dahilan niya ay..." Sasabihin ko ba? Itatago ko ba? Hay, bahala na nga!

"Kaya gusto ko ng pera ay dahil- hindi ko natuloy yung sasabihin ko dahil biglang tumunog yung cellphone niya.

Habang binabasa niya yung text, bigla nagiba yung emosyon ng mukha niya. Pinagpapawisan, parang natatakot at natutulala kaya minabuti kong kalabitin siya para masiguro kung ayos lang siya.

"Uy, ayos ka lang ba?" Sabi ko habang kumakaway sa mukha niya. Ano ba ito parang statue ang kausap ko ah hindi man lang kumibo? Kinurot ko nga sa tagiliran.

"A-ah? Hah? Ano, may sinasabi ka ba?" Sabi niya na siguro natauhan na. Kurot lang pala ang katapat niya eh.

"Hindi wala, sino ba yung nagtext at nagkaganyan ka?" Hindi niya ako sinagot sa halip ngumiti lang siya at naglakad na kaya sumunod na lang ako.

"Saan ba yung bahay mo? malapit lang ba." Tanong niya habang nagt-text.

"Kapag sinagot ko iyan magbabayad ka ng 50 pesos." Sagot ko naman na walang tingin-tingin sa kanya. Nakakainis din to eh kapag nagtanong ka ngingitian ka lang tapos may gana pa siyang magtanong, medyo makapal.

"Hah? Eh paano ko malalaman kung saan kita ihahatid kung hindi mo sasabihin." Naiirita niyang sabi. Aba siya pa ang may ganang mairita, pigilan niyo ako!

"Eh ikaw naman ang nagsimula ah, nung nagtanong ako kanina parang hangin yung kausap ko ah!" Napalakas yung boses ko kaya tumingin samin ang ilang mga tao sa paligid.

"Tsk, ako pa ngayon, ako pangayon ang nagsimula. Sino kaya ang hindi itinuloy yung sasabahin sating dalawa kanina." Sabi niya sabay harap sakin.

"Ang sabihin mo chismoso ka lang kaya gusto mo malaman yung kwento ng buhay ko." Pangasar ko sa kanya.

"So tungkol sa buhay mo yung iku-kwento mo kanina." Sabi niya habang tumatango.Patay, talo ako dun ah magaling itong lalaking ito ah.

Ms. Fantasy meet's Mr. RealityMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon