Conquest 16 *Results*
Vincent's POV
Nandito ako sa may gate ng school habang nagt-text dahil inaantay ko si Fiane. Ilang saglit lang ay lumabas na rin siya at mukhang napansin na niya ako. Lumapit siya sakin at nagtanong.
"Uy, anong ginagawa mo dito? May inaantay ka ba?" Tanong niya.
"Oo may iniintay ako," sagot ko sa kanya na walang tingin-tingin at nagc-cellphone pa.
"Ehh? Sino?" Tanong niya ulit.
Humarap ako muna sa kanya bago magsalita. "Ikaw..."
Napansin kong namula ng bahagya yung mukha niya kaya agad kong pinutol yung pagpapantasya niya.
"Sabi ni Mei antayin kita." Habol ko.
"Hmp? Paasa!" Sabi niya na parang nanakawan.
"Hah? Ano bang problema mo." Tanong ko.
"Hmp, wala sabi ko tara na." Sabi niya sabay lakad at iniwan ako kaya wala akong nagawa kung hindi sumunod na lang sa kanya.
Habang naglalakad kami hindi ako mapakali dahil hindi ako sanay na hindi siya nagsasalita o nangungulit.
"Uy, galit ka ba?" Tanong ko.
"Hmp, ano sa tingin mo!" Sabi niya na walang tingin-tingin. Mukhang ginagaya niya ako sa paggalaw ko ah.
"Sorry ah... Sorry dahil pinutol ko ang pagpapantasya mo." Sabi ko.
Nakita kong yumuko siya pero nakita ko yung tenga niya na parang namumula. Nagulat ako nang bigla siyang humarap sakit at sinuntok yung tiyan ko.
"HINDI AKO NAGPAPANTASYA!" Sigaw niya.
"Sobra ba ang galita mo sakin kaya ganyan yung mukha mo?" Sabi ko habang hawak-hawak yung tiyan ko.
"Huh? Anong meron sa mukha ko?" Hinawak-hawakan niya yung mukha niya.
"Namumula kasi eh may lagnat ka ba?" Sabi ko.
"H-h-h-hindi a-ako n-namumula!" Sabi niya sabay takbo ng mabilis.
"Ang hilig niya mangiwan ah," bulong ko at umuwi na lang ako magisa. Aalis na sana ako nang may nakita ako.
Fiane's POV
"Waaaaaa! Pahamak ka naman eh, bakit ka ba kasi namumula ah?" Sabi ko sa harap ng salamin sa kwarto ko. Dahil sa hiya ko nakarating ako sa bahay ng mas mabilis pa sa kidlat.
BINABASA MO ANG
Ms. Fantasy meet's Mr. Reality
FantasiaPaano kung si Ms. Fantasy makilala si Mr. Reality? Sino kaya ang mananalo? sa larong... LOVE Game Start Plagiarism is a crime. Original written by: lovelyanime1 My 1st Story.
