Conquest 41 *My True Powers*

544 26 0
                                        

        Conquest 41 *My True Powers*

                              Rex's POV

Lumabas na ako ng CR pagkatapos kong maligo, nagbihis na rin ako ng damit na biglang nagpakita sa labas ng CR.

Dumiretso na ako sa kwarto kung saan nandoon naiwan sila Kate at Doggy. Naabutan kong nakaupo si Kate sa sahig pero nakatalikod siya sakin. Hindi ko naman nakita si Doggy sa loob.

"Kate gising ka na pala, ayos ka na ba?" Tanong ko kay Kate na hanggang ngayon ay nakatalikod parin.

Inantay ko ang sagot niya pero parang wala siyang balak na sumagot kaya dahan-dahan ko siyang nilapitan at hinawakan sa balikat. Agad naman itong lumingon at sa hindi ko inaasahang sagot.

"Wof wof wof!"

Umiling-iling ako baka kasi guni-guni ko lang ang pagTAHOL niya. Ngumiti ako at muling nagtanong.

"A-ah Kate mukhang hindi ka pa masyadong ayos... M-magpahinga ka muna." Tumango lang siya sakin.

Tumalikod na ako para pumunta sa kabilang kwarto at parang ako ang kailangan ng pahinga.

Hindi pa ako nakakalabas ng kwarto nang makarinig akong parang bumagsak kaya muli akong humarap.

Nakita ko siyang nagpapagulong-gulong sa sahig na parang bola. Mukhang nasobrahan ang pagtama ng ulo niya sa lupa nung nahimatay siya.

Nilapitan ko siya agad at sinubukang patigilin. Tumigil naman siya pero nagulat ako nang sugurin niya ako kaya dali-dali akong tumakbo palayo pero sadyang mabilis siya at naabutan ako.

Tumalon siya sakin kaya napahiga kaming dalawa. At sa unang pagkakataon ay nakita ko siyang ngumiti pero hindi pa doon nagtatapos dahil unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sakin hanggang maglapat ang mga labi namin.

Sa mga oras na iyon ay bigla kong naalala si Doggy. Ang asong ugaling tao. Nasaan na kaya siya?

Tumayo na si Kate at nagtatatakbo nasagi niya ang isang makapal na libro na nakapatong sa lamesa.

Pinulot ko ang libro at may nahulog na kapirasong papel may bakas na paa ng aso sa may gilid ng sulat kaya binasa ko ang buong sulat.

Matapos kong basahin, naging malinaw na sakin ang lahat. Malinaw na sa'kin kung bakit ganyan ka sakin... Kate.

Nilapitan ko ang katawan ni Kate.

"Hindi ikaw si Kate di ba? Pwede mo ba ako dalhin sa kinaroroonan ng totoong Kate?" Sabi ko sabay bigay ng sulat.

Agad naman niyang inamoy ang sulat pero parang hindi niya maamoy dahil nasakatawan siya ng tao.

Kinuha ko ang sulat at ako naman ang sumunod na umamoy. May naamoy naman akong parang kaamoy ni Doggy- este Kate.

So ito ang powers ko, malakas lang ang pangamoy ko na parang aso! Well kaya nga ako naging human dog di ba? Hahaha.

Ms. Fantasy meet's Mr. RealityMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon