Conquest 5 * Ms. Comb Queen *

1.4K 92 28
                                    

         Conquest 5 * Ms. Comb Queen *

                            Mei 's POV

"Ok ready na ba kayo?" Tanong ko kina Fiane at Vincent

"Ready na!" Sigaw naman nila

"Ok! game!" Sigaw ko

"Jack n' poy!" Sabi nila

"Yes!" Sambit ni Fiane habang nagtatatalon dahil siya ang nanalo, gunting siya at papel naman si Vincent.

"Vincent ikaw ang mauuna tutal nakilala mo naman na si Lara diba hahaha" pangangasar ko sa kanya. Nandito kami sa rooftop at naglalaro ng jack n' poy, sabi ko kasi kung sino ang matalo siya ang mauunang gawin ang task niya.

"Tsk magkakampi siguro kayo ano" reklamo ni Vincent. Nalaman ko ring ang nangyari tungkol sa away nila Vincent at yung mommy niya. Pero sabi naman niya hindi na sila nagaaway.

"Hindi ah, sadyang magaling lang ako sa larong iyan hahaha" sabi ni Fiane sabay tawa ng malakas

"No choice naman ako eh, ano bang plano?" Tanong ni Vincent habang nagkakamot ng ulo.

"Eh? Diba ikaw ang may task, so dapat ikaw ang magplano!" sabi ko na gulat na gulat dahil hindi ko inasahan na saakin niya itatanong iyon, kaya nga ako nagpatulong sa kanila dahil hindi ko rin alam ang gagawin ko eh.

"Hay naku Mei, wag ka nang umasa na magkaroon ng plano iyan dahil tamad iyan, wala nga iyan ginawa sa klase kung hindi matulog eh" sabi ni Fiane habang naka tingin kay Vincent na halatang nagpaparinig.

"Oo na at ikaw naman walang utak, nakikinig ka nga pero pasok dito labas doon" sagot naman ni vincent habang turo-turo yung tenga niya.

"Ako? walang utak! Sige ako na ang magpa-plano sisiguraduhin kong wala pang isang araw tapos mo na yung task hmp!" Sabi ni Fiane sabay talikod kay Vincent.

"Oh magaaway nanaman ba kayo?" Tanong ko

"KAILAN BA HINDI!" Sigaw nila pareho sakin

Ms. Fantasy meet's Mr. RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon