Conquest 8 *First Letter*

1K 73 16
                                    

                 Conquest 8 *First Letter*

                            Fiane's POV

Iniwan ko si Vincent magisa sa room dahil cleaners siya he he pagkalakas-lakas na ako maglakad papuntang rooftop.

"Lagot ka sakin Vincent isusumbong ko siya kay Mei. Porket hindi ako nakasagot kanina pwede na siyang mangasar hmp!" Sabi ko habang naglalakad

Nandito na ako sa tapat ng rooftop at binuksan ko na ito, nasilayan ko ang cute na pagmumukha ni Mei at agad ko siyang niyakap at pareho kaming natumba sa lapag.

"Huhuhu, Mei inasar nanaman ako ni Vincent!" Pagngawa ko na parang bata bakit bata pa naman ako ah haha

Naramdaman kong hinimas ni Mei yung ulo ko tsaka nagsalita

"Hay, pabayaan mo na siya love ka lang niya kaya ganyan yan"

Napatingin ako sa sinabi niya, love? Baka love patayin hmp.

"Ika nga nila the more you hate, the more you love" sabi pa ulit ni Mei na may maaliwalas na ngiti, yung feeling na nanay mo yung kausap mo ang sarap niyang kasama- pero nainis ako sa sinabi niyan ah hindi gawain ng mahulang iyan haha joke.

"Ay, bago na alam ko the more you hate, it never change eh" sarcastic kong sagot dahil wala akong pakialam sa mga love love na yan, may gatas pa ako sa labi hihi kapal noh?

Nagkwentuhan lang kami ni Mei nang mga 20-30 minutes hanggang sa maubusan ako nang ikukwento at naalala ko yung mokong na yun mukhang walang balak na umakyat ah.

"Mei bababa lang muna ako ah papatayin- este pupuntahan ko muna si Vincent sa baba mukhang nalamon na kasi siya ng classroom sa sobrang sama ng ugali eh" tumayo na ako at maglalakad ng biglang may humatak ng dulo ng palda ko.

"Sama na rin ako" sabi ni Mei habang hatak-hatak yung palda ko.

"Pwede ka bang bumaba kasi diba sabi mo kailangan mo ng signal?" Nagtatakang tanong ko

"Sabi ko kailangan ko ng MALAKAS na signal, hindi naman ako mamamatay kapag nawalan ng signal eh kailangan ko siya para mababtayan ko kayong dalawa ni Vincent" sagot niya sabay tayo galing sa pagkakaupo

Ms. Fantasy meet's Mr. RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon