Conquest 43 * Our Clones!*
Mei's POV
"Ikaw na lang!"
"Bakit ako? Ikaw nga ang nagpakana nito diba."
Ramdam mo ang tensyon sa dalawang taong ito.
"A-ah... Pwedeng-
Sinubukan kong makisali pero mukhang hindi nila ako hinayaan.
"HAH?!" Sabay nilang sigaw sa'kin habang nanlilisik ang mga mata.
Ngumiti ako sa kanila habang umi-iling. Hindi ako masyadong maka-galaw dahil nakatali ang mga kamay ko.
Sila yung dumakip sa'kin at hindi ko inakala na gagawin nila sa'kin ito.
"Ikaw dapat ang gumawa dahil ikaw ang lalaki!" Sigaw nung babae sa kasama niyang lalake habang tinutulak-tulak niya ito papunta sa'kin.
"Damn! Fine." Napilitang sabi nung lalake habang nagkakamot ng ulo papunta sa'kin.
"A-anong gagawin mo?!... SAVE ME LORD!" Sigaw ko kasabay nito ang pagpikit ko ng madiin.
Habang naka-pikit ako at bumulong siya sa tenga ko.
"Mei sorry ah."
Saka niya pinagpatuloy ang balak niya sakin.
"Kyaaa!"
Hindi ko napigilang sumigaw dahil salungat ang inaasahan Kong lgagawin niya.
"Hmm kakaiba itong dahon ah." Sabi niya.
Kinuha niya ang dahon mula sa ulo ko. Nakahinga naman ako ng maayos.
"Sorry talaga Mei, kinidnap ka namin ah." Sabi nung babae sabay yakap sa'kin.
Inilagay ko ang nakataling kamay ko sa ibabaw ng ulo niya at konting ginulo ang buhok niya.
"Hay kung hindi ko lang kayo namiss eh Fiane, Vincent." Ngumiti ako sa kanila at ganon din ang ginawa nila kasabay into ang pagtatanggal ng tali sa kamay ko
"Well... Bakit niyo ako kinidnap? At bakit ganyan ang mga suot niyo?" Napatigil sila sa pagtatanggal at biglang kumunot ang mga noo nila.
Nakasuot sila pareho ng all black na damit at may mask pang kasama na katulad sa mga horror house.
BINABASA MO ANG
Ms. Fantasy meet's Mr. Reality
FantasíaPaano kung si Ms. Fantasy makilala si Mr. Reality? Sino kaya ang mananalo? sa larong... LOVE Game Start Plagiarism is a crime. Original written by: lovelyanime1 My 1st Story.
