Conquest 21 *Sem break*

885 47 4
                                        

Conquest 21 *Seem break*

Fiane's POV

"Yehey! Sem break na, mapapahinga na rin akong makakita ng mga bagsak na test at mapapahinga na rin ako sa pagmumukha ni Vincent." Hahaha ang pinaka masayasang araw ay dumating na ang stress free day.

"Ate, pwede ba itikom mo iyang bibig mo at tulungan mo na lang ako magimpake, daig mo pa ang wang-wang ni pinoy sa ingay eh. Bilisan mo baka maiwan tayo." Sabi ni Ashley sakin. Syempre kapag sinabing sem break largahan time so... Pupunta kami sa beach.

"Mga anak tapos na ba kayong magimpake? Bilisan niyo aalis na tayo." Sigaw ni mama sa may hagdan. Isinara na namin ang bagahe at bumaba na. Sumakay na kami sa kotse.

Habang nasabyahe kami, biglang nagbivrate yung cellphone ko kaya agad ko itong tinignan.

To: Fiane

Expect the unexpected hahaha good luck ^_^

From: Mei

Huh? Ano nanamang text ito. Good luck para saan? Aha baka may halimaw sa pupuntahan namin tapos hindi ko alam na may powers ako kaya sinabi niyang expect the unexpected.

"Tama! Ganon nga- aray!" Nakalimutan ko na nasaloob pala ako ng sasakyan tuloy naumpog ako sa bubong ng kotse.

"Oh anak, wag kang atat malayo pa tayo." Sabi ni mama na nagpipigil ng tawa.

"Ma!" Sigaw ko sa hiya. Umupo na ako ng maayos akala ko tapos na sila sa pangangasar sakin yun pala simula palang ito.

"Hahaha pabayaan mo na si Fiane ma, alam mo naman na ngayon lang iyan nakalabas ng lungga niya eh hahaha." Pangasar ni papa. Akala ko ipagtatanggol niyo ako yun pala mangangasar din kayo, unfair! Tsaka anong lungga? Hindi lungga ang tawag doon, taguan iyon- teka pareho lang iyon ah... Waaaaa basta wala akong lungga!

"PA!" Sigaw ko rin sa kanya pero sa halip na tumigil, tumawa lang sila ni mama.
Hay, ganyan palagi ang sitwasyon kapag magkakasama kami, palagi na lang ako ang inaasar hmp!

"Ate, sana naman walang bastusan natutulog yung tao oh." Iritang sabi ni Ashley sabay ayos ng pwesto. Malay ko bang natutulog na pala siya, kanina nga eh gising na gising siya sa pagmamadali saking magimpake eh.

Ms. Fantasy meet's Mr. RealityMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon