Conquest 47 *I Can't Hear You*
Fiane's POV
"Guys! Maghiwahiwalay kaya tayo para mahanap na natin si Hina." Ideya ni Mei.
"... Sige para natapos na agad ito... At para masabi ko na ang gusto kong sabihin dati pa." Pagsang-ayon ni Mateo.
"Huh? Eh ano ba yung sasabihin mo?" Tanong ni Kate habang nakakunot ang kilay.
"Ano pa eh di I love you so much!" Lumuhod si Mateo at umaktong parang magpo-propose na ewan.
"Eww!" Sabay-sabay nilang sabi.
"Alam mo kung ako si Hina mas gusto ko pang magpakamatay sa harap mo kadiri!" Sigaw ni Lara.
"Hmm kung gusto mo isama kita sa story ko... Ikaw yung rapist." Tanong naman ni Charlotte na may inosenteng mukha.
"Gahg! Bakit ba lahat kayo ganyan sa'kin! Panget ba ako? Masama ba ako? Ayaw niyo ba akong kasama?" Naghihikahos na sabi ni Mateo.
"... Oo- opps!" Agad na tinakpan ni Mei ang sariling bibig matapos niyang masagot ang lahat ng tanong ni Mateo.
Nagtawanan sila bigla dahil sa hindi inaasahang sagot ni Mei.
"Good job Mei!" Sabi ni Rex at nakipag apir pa kay Mei.
"Maghiwa-hiwalay na nga tayo para Hindi ko na makita ang mga pagmumukha niyo!" Tampo ni Mateo.
Biglang natigil ang tawanan nila at napalitan ng masasamang titig.
"Eh? Anong masama sa sinabi ko!?"
"LAHAT LANG NAMAN!" Sabi ni Claire habang nakatitig kay Mateo.
"Lagot ka." Panakot ni Charlotte habang wina-wagayway ang hintuturo niya.
"Hehe t-tama na. Yung dating team up na lang yung magkakasama ah." Sabi ni Mei.
Ano!? Dating team up ibig sabihin kasama ko si Vincent? HINDI PWEDE!

BINABASA MO ANG
Ms. Fantasy meet's Mr. Reality
FantasyPaano kung si Ms. Fantasy makilala si Mr. Reality? Sino kaya ang mananalo? sa larong... LOVE Game Start Plagiarism is a crime. Original written by: lovelyanime1 My 1st Story.