Conquest 3 *New Friend?*

1.9K 121 39
                                        

        Conquest 3 * New Friend?*
                    

                        Fiane's POV

"Kailangan ko ng tulong mo!" Sigaw ni Hina.

"Hah?"

"Anong tulong naman?" sabi ko sa kanya

"...Ah...pwede bang bukas ko na lang ipapaliwanag, pumunta ka na lang sa rooftop bago magsimula ang klase, maggagabi na kasi eh bye?" Sabi niya at tumango naman ako bilang sagot. Pagkatango ko ngumiti siya at umalis na.

~~~~~~~~~~

Maaga akong pumasok ngayon dahil gusto ko na matapos ang ipapagawa ni Hina. Nasa tapat na ako ng classroom namin, sure ako na wala pang tao kaya agad ko itong binuksan. Laking gulat ko ng may nakita akong lalaking natutulog sa desk niya at parang pamilyar.

Nilapag ko muna yung bag sa upuan ko tsaka ko pinagdiskitahan yung lalaki. Una kong ginawa ay tinitigan siya mabuti kasi nga pamilyar hindi ko makita yung mukha niya dahil naka subsob yun sa desk, pangalawa inamoy ko siya na parang aso, at pangatlo nung hahawakan ko yung ulo niya bigla na lang niya hinawakan ang braso ko at nagsalita

"Ano bang problema mo, ngayon ka lang ba nakakita ng taong tulog?"

Nagulat ulit ako nung itinaas niya yung ulo niya sapat para makita iyon, kaya pala pamilyar siya ay dahil siya si Vincent.

"Bakit masama yung ginawa ko? Tinignan lang naman kita dahil pamilyar ka eh" Sinusubukan kong tanggalin yung pagkakahawak niya sa braso ko pero masyado siyang malakas.

Tumayo siya galing sa pagkakaupo at inilapit ang mukha niya sa mukha ko at sinabing

"Pamilyar lang ba talaga o naka tatak na sa puso mo?"

Pagkasabi niya nun alam kong nangangamatis na ang pagmumukha ko hindi dahil sa sinabi niya kung hindi dahil sobrang lapit ng mukha niya sakin. Nanatili kami sa ganong posisyon, maya-maya pa ay may nagbukas ng pinto ng classroom at may nagsalita

"Ops! Sorry sige tuloy niyo lang wag niyo ako pansinin"

Sabi ng classmate ko lalaki habang nilalapag ang bag sa desk niya.

"M-mali k-ka ng pagkakaintindi hindi kami-

"OK wag ka na mahiya" sabi niya na may mapangasar na mukha

Kinuha ko yung espada ko at itinutok ko sa halimaw na Vincent ( In reality, isang ordinaryong bollpen na malapit na maubos ang tinta)

"Oh anong gagawin mo" sabi ni Vinsent

Tutuhugin ko na sana siya para makain ko nang maalala ko kung bakit ako maaga pumasok si Hina. Kinaladkad ko si Vincent papuntang rooftop para siya na lang gumawa ng ipapagawa ni Hina.

~~~~~~~~~~

Nandito na kami sa rooftop ni Vincent, inikot ko yung mata ko 360 digree na parang matatanggal na yung mata at sa wakas nakita ko na siya,nandoon siya naka hawak sa railings kaya lang parang malungkot siya.

"Hana nandito na ako sorry late ah may epal kasi eh!" Sigaw ko sa kanya dahil medyo malayo siya sa kinalalagyan namin.

"Sino siya?" Tanong ni Vincent na pabulong

"Si Hana" pagmamalaki kong sabi

"Hindi, ang ibig kong sabihin ay...wag na nga baka lalo pa akong maguluhan" sabi niya habang nagkakamot ng ulo

Ms. Fantasy meet's Mr. RealityMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon