Conquest 23 *Summer War*
Fiane's POV
"Hmm, konting ayos dito, konting dag-dag... PERFECT!" Sabi ko sa sarili ko.
"Anong ginagawa mo?" Sabi ng boses. Kaya nagulat ako at gumuho yung ginagawa kong sand castle kanina. Tinignan ko naman agad kung sino yung nagsalita. Waaaaa! Penguin alert hay, walang iba kung hindi ang dakilang penguin si Vincent.Tinignan ko lang siya ng masama.
"Wala na, wala na akong ginagawa ngayon hmp!" Sabi ko sabay tayo galing sa pagkakaupo sa buhangin.
"Eh di mas maganda." Sabi niya pero nakaupo parin siya at nakangiti- ngiting penguin.
"Hah! Anong maganda sa pagkasira ng isang master piece?" Tumingin lang siya at tinitigan yung sand castle ko tsaka nagsalita.
"Ah, ito ba ang tinutukoy mong master piece... Ay sorry akala ko gumagawa ka ng mountain sand eh." Matawa-tawa niyang sabi. Hay, umiral nanaman yung pagkahidro niya.
"Hmp! Kanina maayos pa iyan pero ngayon hindi na, umepal ka kasi eh." Nakakainis talaga! Eh baka nga kapag gumawa siya ng sand castle baka maging kamukha niya eh, mukhang basura hmp!
"Hey, but anyway samahan mo nalang ako bumili ng- hindi ko na siya pinatapos sa halip ay nagsalita na ako kaagad.
"AYOKO!" Spell makapal Vincent. Matapos niyang lait-laitin yung gawa ko magpapasama sa siya hmp!
"H-hah?" Gulat na gulat niyang sabi.
"May paa ka naman diba." Sabi ko sabay talikod sa kanya.
"Sige ka kapag hindi mo ako sinamahan baka mabawasan ang gwapo sa mundo." Sabi niya galing sa likod kaya dahan-dahan akong humarap sa kanya.
"Okay lang at least nabawasan ang mga mayabang na tao hmm." Binigyan ko siya ng inosenteng ngiti haha matamaan ka!
"Eh? Ang tanong kaya mo ba akong mawala?" Sabi niya na nakasmirk pa. Ano ba yan wala na akong maisip na isagot puro na lang hindi, ayoko at wag ang nasautak ko, pero kaya mo ito Fiane!
"Bakit? Sino ba ang nagsabing importante ka sa buhay ko." Yes! Galing ko barado siya ngayon hahaha!
BINABASA MO ANG
Ms. Fantasy meet's Mr. Reality
FantasyPaano kung si Ms. Fantasy makilala si Mr. Reality? Sino kaya ang mananalo? sa larong... LOVE Game Start Plagiarism is a crime. Original written by: lovelyanime1 My 1st Story.