Conquest 23 *Portal*
Fiane's POV
"Ashley!?"
"Hello ate," Nakangiting sabi ni Ashley nabang kumakaway sakin.
"B-bakit ka nandito? L-lumayo ka sa kanya!" Sinubukan kong puntahan si Ashley pero bigla akong pinigilan ni Mei gamit ang pagharang ng kamay niya.
"Bakit ako nandito?... Para tulungan ang kaibigan kong... Patayin kayong lahat." May hinugot si Ashley mula sa likod niyang espada at itinutok saamin at kay Hina.
Biglang sumikip ang dib-dib ko matapos niyang sabihin ang mga salitang iyon. S-si Ashley ba talaga ang kaharap ko ngayon? Sa sobrang gulat ko, hindi na ako nakapagsalita.
"Huh? Ayaw mo pa bang mamatay? Sige, mas mabuti pang unahin na lang kita." Sabi ni satan sabay hablot ng espada at itinutok kay Ashley.
Gusto ko siyang pigilan pero hindi ako makagalaw dito sa kinakatayuan ko. Ano ba ang problema ng mga paang ito, bakit ayaw gumalaw? Naramdaman kong may tumutulong luha sa mata ko.
Pimorma na ni Satan ang espada niya sa leeg ni Ashley. Ayokong makita ang gagawin ni Satan kaya pumikit nalang ako ng labag sa loob ko.
"Bye-bye ate," bulong ni Ashley.
Muli ako napadilat pero nagiba ang paligid. Huh? Panaginip?
"Oh anak gising ka na agad!" Sabi ni mama habang inaayos ang damit ko sa cabinet.
"M-mama nasaan si Ashley?" Tulala kong tanong.
Napatingin si mama ng seryoso sakin kaya kinabahan agad ako.
"Ashley? Sino yun?" Sagot ni mama.
Sumimangot ako kay mama. Wala kasi siya sa lugar na magbiro.
"Eh mama naman eh, hindi ako nagloloko nasaan nga si Ashley yung kapatid ko?" Naiinis kong sabi.
"Anak, hindi ako nagloloko, tsaka wala kang kapatid! Hay tama nga ang sinabi ng mga kaibigan mo... Nakdrugs ka nga. Magbihis ka at bumaba ka, inaantay ka ng mga kaibigan mo." Sabi ni mama na parang naiirita at umalis na ng kwarto ko.
Haha siguro panaginip nanaman ito. Sinampal ko ang magkabilang pisngi ko pero walang nangyari kaya dali-dali akong nagbihis at bumaba na.
Nakita ko sila Mei, Vincent at Mateo na pare-parehong nakaupo at nakayuko.
"Guys," sabi ko at napatingin naman sila sakin.
"Anong pinagsasasabi niyo Kay mama, ako nakadrugs... Naalala ko si Ashley ah, ano bang nangyari kanina? Bakit hindi maalala ni mama si Ashley? N-nasaan si Ashley- napatigil ako dahil bigla akong niyakap ni Vincent at kasabay nito ang pagbuhos ng luha ko.
BINABASA MO ANG
Ms. Fantasy meet's Mr. Reality
FantasyPaano kung si Ms. Fantasy makilala si Mr. Reality? Sino kaya ang mananalo? sa larong... LOVE Game Start Plagiarism is a crime. Original written by: lovelyanime1 My 1st Story.
