Conquest 26 *C.P.R.*

783 39 2
                                    

                   Conquest 26 *C.P.R.*

                            Fiane's POV

Waaaaa! Waaaaa! B-bakit siya lumalapit sakin? Waaaaa! T-teka lang h-hindi pa ako handa, ninakaw mo na nga yung first kiss ko tapos nanakawan niya ako ulit!

Hinawakan niya ako sa balikat at mas lalong lumapit kaya pumikit na lang ako at pinaubaya na lang kay superman ang mangyayari. Ilang segundo pa lang ang nakakalipas, may naramdaman akong parang nabasa yung damit ko kaya idinilat ko ang isang mata ko pero pagtingin ko... Waaaaaaaaaa! SUKA! Sumuka siya sa damit ko! Ano ba buntis ba siya? Walang atubili bigla ko siyang sinuntok sa tiyan at agad naman siya napahiga at umikot-ikot sa sahig habang hawak-hawak yung tiyan. Paikot-ikot lang siya dun hanggang bigla siyang tumigil at parang nakatulog.

"Wow! Dalawa na ang napa-knockout mo, talo mo pa si incredible hunk ah bravo!" Sabi ni Mei na kasama si Mateo at sabay silang pumapalakpak. Teka paano sila napunta dito?

"A-anong ginagawa niyo dito?" Gulat na gulat na tanong ko sa kanilang dalawa.

"Ahh... Mamaya mo na itanong at magpalit ka muna ng damit mo ang baho eh." Sabi ni Mateo habang nakatakip ang ilong gamit ang kamay niya.

Napaface make na lang ako sa sinabi niya. Tumakbo ako palabas ng kwarto at pumunta sa room ko tsaka naligo at nagpalit ng damit. Ngayon, subukan pa niya akong sukahan ulit baka maging pritong penguin siya. Tumakbo ulit ako papuntang kwarto ni Vincent.

"Ayos na ako, pwede niyo na bang sabihin kung bakit- napahinto ako dahil sila Mei at Mateo ay naglalaro lang ng baraha.

"Yo!" Matipid na sabi ni Mateo habang nakasalute pa.

"Welcome back Fiane gusto mong maglaro?" Sabi ni Mei habang masayang-masaya na inaaya ako.

A-anong nangyari sa kanila? Kanina ng lang humahagulgol kami sa pagiyak tapos ngayon, naglalaro lang sila ng baraha na parang walang nangyari ano ito lokohan?

Hindi ko na napigilan ang sarili ko, nilapitan ko si Mateo at hinawakan ko ulit yung kwelyo niya. "Anong ginawa mo kay Mei? Hinipnotise mo siya noh kaya naging masaya na siya ulit noh? Sumagot ka!" Sigaw ko habang niyuyug-yog ko siya.

"Ayaw mo ba akong maging masaya?" Walang buhay na tanong ni Mei sakin.

"H-hindi naman sa ganon, baka kasi gumaganti siya sakin kaya hinipnotise ka niya." Paliwanag ko sa kanya pero hindi ko parin tinitigil yung pagyug-yog kay Mateo.

"Hahaha sa tingin mo lalaban pa siya sa iyo? Tingnan mo nga yan... Takot nga siya sayo eh hahaha." Sagot ni Mei habang turo-turo si Mateo na hilong-hilo na sa ginagawa ko sa kanya.

Ms. Fantasy meet's Mr. RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon