Conquest 39 *Crossover*

518 30 0
                                        

                 Conquest 39 *Crossover*

                            Dylan's POV

Langya! Akala ko tapos na, simula palang lang pala!

Pagod na pagod kong inihahakbang ang paa ko para makalabas na sa kastilyo. Habang naglalakad ako, (In reality literal na gumagapang) maraming nakakakita saking bisita sa palayo at nagbubulungan kaya mas lalo kong binilisan ang paggapang- este paglalakad hanggang may napansin akong pamilyar na babaeng nakapajama, gulu-gulo ang buhok na basa at may dahon-dahon pa sa tuk-tok ang pagod na pagod nadumating sa palasyo.

Napatingin siya sakin at agad siyang tumawa ng napakalakas habang nakaturo sakin. Ngayon ko lang napagtanto na siya si Charlotte.

Agad akong tumalikod sa kanya at dahan-dahang naglakad palayo na parang hindi ko siya nakita, pero hindi pa ako nakakalayo nang may naramdaman akong tumapak sa color pink kong Gown mula sa likod kaya napatigil ako sa paglalakad.

Lumunok muna ako bago humarap sa likod. Isang malawak na ngiti ni Charlotte ang bumungad sakin.

"Hehe tinagurian ka panamang gangster ng school tapos malalaman kong nagsusuot ka ng GOWN at color pink pa hahaha.... At kamusta naman iyang wig at makeup mo? Mukha kang ginahasa ah, nice one!" bulong ni Charlotte sakin habang nakatakip ang bibig niya ng kamay niya sabay tawa.

"Haha eh kamusta naman iyang pajama mo, naihi ka ba sa kama mo?" Pagbalik ko ng asar.

Namula naman siya at sabay sampal sa mukha ko dahilan para matanggal yung pagkakakabit ng wig ko sa ulo.

"Oh my! Si princess nagpagupit ng buhok!"

Sigaw ng isang babae at dahil doon ay pinagtinginan na kami- ako lang pala. Narinig ko ang pigil na pigil na tawa ni Charlotte sa gilid ko.

Hindi ko na napigilan ang galit ko at kinuha ko ang wig na nasalapag at sumigaw.

"Hindi pa ba halata sa inyo na hindi ako ang prinsesa!"

Panandaliang katahimikan ang bumalot sa palasyo pero agad din itong nabasag dahil may isang sumigaw.

"Okay lang iyan, kahit magpakalbo ka ikaw parin ang prinsesa naming lahat!"

At sinundan pa nito...

"We love you princess!"

Gusto ko silang banatan isa-isa pero mas pinili kong tumakbo palabas ng palasyo pero habang tumatakbo ako ay rinig ko parin ang mga boses nila.

"Shy ang prinsesa natin!"

Ms. Fantasy meet's Mr. RealityMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon