Conquest 36 *Show down!*
Max's POV
"Waaa! pwede itong ibenta. Ah! Ito rin nice, pwede akong maging mayaman dito ah hahahaha!" Sabi ni Claire habang nagpupulot ng mga bakal at kung ano-anong makita niya sa daanan.
Pagkapasok kasi namin ng portal ay dito na kami napunta sa parang gubat.
Sinusundan ko lang siya sa pagpupulot niya hanggang makarating kami sa isang village. Maraming tao rito katulad sa totoong mundo. Lumingon ako sa kinaroroonan ni Claire pero wala na siya sa tabi ko at nakita ko na lang siya sa junk shop tuwang-tuwang nagbibilang ng pera.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi ba halata, eh di bagpapayaman hahaha tingnan mo oh may isang supot na ako ng gintong barya!" Tuwang-tuwa niyang sabi habang kumikinang ang mga mata.
Teka yayaman ba siya sa pagbebenta ng kung ano-anong bagay na hindi naman sa kanya? Diba parang pagnanakaw na iyon?
Magsasalita pa sana ako pero bigla niya akong hinila paalis ng junk shop.
"Teka, saan nanaman tayo pupunta?" Tanong ko habang nakahawak sa batok.
"Hehe maghahanap pa ako ng pwedeng ibenta."
Habang naglalakad kami, may narinig naming mga bulong-bulongan katulad ng mga ganito.
"Sino kaya ang mga batang iyan? Sa ibang baya ba sila? Grabe ang cute nung babae tapos ang gwapo nung lalaki."
"Ang sweet namang ng dalawang iyan, naalala ko tuloy ang kabataan ko haha."
Pagkarinig namin noon ay biglang bumitaw si Claire sa pagkakahawak niya sakin sa kamay at parang bahagyang namula. Nagulat ako nang bigla siyang tumigil sa paglalakad at napahawak sa dulo ng damit ko.
Inangat niya ang ulo niya at binuka na bibig na parang may sasabihin pero hindi na iyon natuloy dahil may dumating na dalawang medyo may edad na babae.
"Hello, bagong dating ba kayo rito?" Tanong nung isang babae.
"Ah, opo galing po kami sa mundo ng mga tao." Sagot ko habang nakangiti.
"Naku! Kega-gwapo at kega-ganda pala ng mga tao." Narinig kong bulong niya.
Mga tao? Hindi ba sila tao?
"Pwede ba naming malaman ang mga pangalan niyo?" Sabi nung kasama niya.
BINABASA MO ANG
Ms. Fantasy meet's Mr. Reality
FantasyPaano kung si Ms. Fantasy makilala si Mr. Reality? Sino kaya ang mananalo? sa larong... LOVE Game Start Plagiarism is a crime. Original written by: lovelyanime1 My 1st Story.
