Conquest 46 *Little Cute Devil*

502 27 3
                                    

Conquest 46 *Little Cute Devil*

Ashley's POV

Nainggit, nagselos at nagalit ako sa kapatid ko.

"Hahaha nakakatuwa talaga itong si Fiane."

"Kaya mo iyan Fiane!"

"Hay napaka-inosente mo talaga Fiane."

Ilan lang iyan sa mga salitang palaging sinasabi ng mga tao sa paligid namin.

Gusto ko rin mapansin at mapuri ng iba katulad ni ate kaya nagpursige akong mag aral ng mabuti at maging mature ang pagiisip.

Pero sa kabila ng iyon, kabaliktaran ang nangyari.

Nung una napapansin at pinupuri nila ako pero habang tumatagal parang nasasanay na sila na ganito ako na parang sinasabi nila na "ah okay ano bang bago."

Gusto ko ng sumuko pero biglang nagpakita si Satan at nilinlang ako sa mga masasama niyang plano. Sinabi niya na kapag sumama ako sa kanya magbabago ang lahat pero isa nanamang maling desisyon ang nagawa ko.

Sumama ako sa kanya dahil akala ko yung pinagusapan lang naming ang mangyayari pero hindi niya sinabi na lahat ng iyon ay may kapalit... At ang hinihingi pa niyang kapalit ay si ate Fiane.

Saka lang ako natauhan nung makita Kong nahihirapan na si ate kaya pinuntahan ko si Satan para sabihing itigil na ang plano. Buong akala ko papayag siya, Hindi pala. Ginawa niya ako clone ni ate at nandamay pa siya ng ibang tao at ginawang clone nung lalaking may espada.

Nung muli kong nakasama si ate bumalik ang mga alaala naming dalawa na magkasama at masaya. Muli kong pinagsisihan ang lahat ng nagawa at inisip tungkol sa kanya.

Ngayong unti-unti akong nawawala sa mundong ito, ang tanging nagawa ko lang para maitama ang lahat ay isang ngiti.

"ASHLEY!" Sigaw ni ate habang bumubuhos ang mga luha sa mata niya.

Ano ba itong nagawa ko?

"...Ate wag kang umiyak... Lalo kang pumapanget."Hirap kong sabi.

"S-sorry... Sorry sorry sorry." Sunod-sunod niyang sabi na parang kinakapos ang hininga na hindi alam ang gagawin at nanginginig.

"...Ako rin... I'm sorry." Hindi ko na napigilan bumuhos na rin ang luha sa mata ko.

Lumalabo na ang paningin ko may isang patak ng luha ni ate ang napansin ko dahil ito ay panandaliang kuminang.

Hindi ko na iyon pinansin dahil baka natamaan lang ng sikat ng araw kaya kuminang. Ipinikit ko na lang ang mata ko at inantay na tuluyan akong maglaho.

Habang nakapikit ako nakaramdam ako ang ginhawa kaya muli akong dumilat.

Biglang lumaki ang lahat pati na rin si ate halos tumingala ako sa sobrang tangkad niya.

Ms. Fantasy meet's Mr. RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon