Conquest 53 *Cleaning the Soul*

315 19 0
                                    

Conquest 53 *Cleaning the Soul*

Fiane's POV

"Fah? Anong ibig sabihin nun?" Sabi ni Vincent habang nakatitig sa notebook.

Nabalot ng katahimikan ang paligid. Lahat kami napapaisip pero agad itong nahinto dahil nakaramfam kami ng pag yanig ng sahig at pag bagsak ng mga bato.

"A-anong nangyayari?" Tanong ko habang nakalagay ang mga kamay ko sa ulo para hindi matamaan.

"Mukhang isa ito sa plano niya." Sabi ni Mei.

"Ano mang oras pwedeng masira ang mundong ito." Sabi naman ni Hina.

"Ano! H-hindi ba natin pwedeng pigilan ang pag guho?" Sabi ni Vincent.

"Kapag nasira ang mundong ito... mamamatay tayong lahat at pati na rin siya. Iyon ang plano niya." Sabi ni Hina na may seryosong mukha.

"Hoy!Satan magpakita ka!" Sigaw ko. Kailangan ko siyang makausap.

May liwanag na nagpakita at lumabas doon si Satan na naka ngiti na para bang nabalotan na siya ng kadiliman."Bakit?"

"Kaya mo ba ito ginagawa ay dahil akala mo kinalimutan ka na nila mama at papa?" Sigaw ko sa kanya habang naiiyak na.

"Oo. Alam kong iniisip niyo, na anf babaw ng dahilan ko... pero kahit mababaw ang dahilan ko, masakit parin dahil SILA LANG ANG TUMANGGAP SAKIN! Sila lang... kahit alam nila na hindi ako normal na tao pero mukhang nag kamali ako na pinagkatiwalaan ko sila dahil akala ko tanggap nila ako pero hindi pala." Habang sinasabi niya 'yun ay lalong lumalakas ang pag yanig ng sahig.

"Satan bago tuluyang gumuho ang mundong ito, gusto ko lang itanong... anong ibig sabihin ng "Fah?"" Dahan dahan akong lumapit sa kanya.

"Haha iyan lang ba ang huli mong habilin? Kaya ko sinasabi ang fah ay dahil pinipigilan kong mag mura kapag nakakakita ng aso. Mukhang hindi ko na kailangang pigilan ang sarili ko dahil wala na ang mga taong nagsabi na kaya kong maging mabait... P*T@NGINA! Waaaa!"

Ms. Fantasy meet's Mr. RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon