Conquest 44 *Heart Beat*
Vincent's POV
Lahat tayo may goals sa buhay, sa pag aaral, at sa pag ibig.
Alam ko na ang mga goals ko pwera sa pag ibig. Isa lang ang tinitibok ng aking puso pero hindi ko na alam ang susunod kong gagawin.
Basta ang alam ko... gusto ko siya makasama ng matagal.
Pero sa pagkakataong ito sa'kin nakasalalay ang kanyang buhay. Isang maling desisyon ko lang ay mawawala na siya ng pang habangbuhay.
"Mag-iingat ka sa pag pili Vincent." Paalala ni Mei sa'kin habang nakatitig dun sa dalawang Fiane.
Hindi ko maintindihan kung bakit sa'kin pina-ubaya ni Mei ang pagpili kahit kaya niyang malaman ang totoong Fiane gamit ang kapangyarihan niya. Pero sige gagawin ko ang lahat ng makakaya ko.
"Boo! Ang tagal mo namang mamili... No choice." Nabuburyong sabi ni Satan sabay taas ng kamay at tumuro sa dalawang Fiane.
Biglang nagliwanag ang leeg ng dalawa at may lumabas na collar na may orasan na pababa ang bilang.
Parehong nagulat ang dalawa at sinumukan itong tanggalin pero nabigo sila.
"Limitado na lang ang oras mo sa pag pili Vincent. Sa loob ng limang oras at dapat napatay mo na ang isa sa kanila, pero kung hindi mo nagawa o hindi ka umabot... Tiyak dalawang ulo ang gugulong sa sahig kaya good luck Mr. hero hahahaha!" Bigla nanamang naglaho si Satan.
Sinipa ko ang maliit na bato sa baa ko sa sobrang inis.
"Mei kaya mo bang malaman kung sino sa kanila ang totoo?" Seryoso kong tanong habang nakayuko.
"...pasensya na." Sagot niya.
"Tsk paano 'to ngayon!" Bulong ko.
BINABASA MO ANG
Ms. Fantasy meet's Mr. Reality
FantasyPaano kung si Ms. Fantasy makilala si Mr. Reality? Sino kaya ang mananalo? sa larong... LOVE Game Start Plagiarism is a crime. Original written by: lovelyanime1 My 1st Story.