Conquest 22 *Another?*
Vincent's POV
"Tsk, ngayon lang ako nagkaroon ng ganong panaginip ah, parang totoo." Sabi ko sa sarili ko habang naglalakad patungong banyo ng resort.
Habang naglalakad ako may nakita akong langaw- este babaeng naka yuko, Hindi ko na lang siya pinansin sahalip kinuha ko yung cellphone ko at binasa ko na lang ulit yung text ni Mei. Pero pakiramdam ko ay nakatingin siya kaya tinignan ko na rin. Tsaka ko lang nalaman na si Fiane pala iyon.
"Ikaw ba yung nanalo?" Tanong namin pareho.
"Hindi." Sagot niya sakin. Umiling na lang ako sa kanya. Kung hindi kami pareho eh di sino?
Magsasalita sana ako nang biglang nagbivrate yung hawak kong cellphone kaya nagulat ako at nabitawan ito pero agad ko rin kinuha at binasa ang text.
To: Vincent
Pumunta kayo sa room 506. BILIS! May halimaw dito!
From: Mei
Pagkabasa ko nun agad kong tinignan si Fiane na nakatingin din pala sakin kaya tumango na lang kami sa isa't isa at tumakbo sa receptionist.
"Miss saan po yung room 506?" Tanong ni Fiane dun sa babae.
"Kaano-ano po nila kayo?" Tanong nung babae.
"Kaibigan po nila kami at kailangan namin sila tulungan dahil may halimaw- agad kong tinakpan yung bibig ni Fiane gamit ang kamay ko.
"Ah birthday po kasi niya eh." Palusot ko, mabuti naman at naniwala yung babae at sinabi niya na sa 4th floor yung room kaya agad kaming pumasok sa elevator.
Habang nasaelevator kami napansin ko na parang nanginginig si Fiane sa gilid ng elevator.
"Uy anong nangyayari sayo?" Tanong ko habang nagtetext. Bigla ba namang manginginig akala mo nakakita ng multo.
Hinatak niya yung dulo ng tshirt ko at tumuro sa likod. Tinginan ko naman at nakita ko ang papel na may nakasulat na "Sleep!"
Bigla akong nahilo kaya napahawak ako sa railings ng elevetor. Nakita kong biglang bumagsak si Fiane, tutulungan ko sana ng biglang bumigat yung pakiramdam ko na parang may humilila sayo pababa. Biglang nagbivrate yung cellphon ko titingnan ko na sana nangbigla na lang ako bumagsak sa sahig. At ang hulig ay ang pagbukas ng pinto ng elevator.
Dinilat ko na yung mga mata ko at bumungad agad yung mukha nila Mei at Hina kaya napabangon agad ako.
"Anong nangyari?" Tanong ko habang hawak-hawak yung ulo ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/28547197-288-k355117.jpg)
BINABASA MO ANG
Ms. Fantasy meet's Mr. Reality
FantasyPaano kung si Ms. Fantasy makilala si Mr. Reality? Sino kaya ang mananalo? sa larong... LOVE Game Start Plagiarism is a crime. Original written by: lovelyanime1 My 1st Story.