Conquest 50 *Fairy God Sister?*

325 22 2
                                    

     Conquest 50 *Fairy God Sister?*

Ashley's POV

"Twit twit"

Nagising ako sa huni ng mga ibon kaya bumangon na ako.

Napansin kong wala si ate sa tent namin. Naginat lang ako saglit saka lumabas na rin ng tent.

"Ah! Ang liwanag." Bulong ko habang nakatakip ng kamay ang mga mata ko.

Habang naglalakad ako nakita ko ang anino ng isang babae sa tabi ng dagat na nalapit sa kinaroroonan ko. Tinitigan ko ito para makita kung sino siya.

"Si ate lang pala."

Teka anong ginagawa niya sa tabi ng ilog- baka!

Dali- dali akong tumakbo.

"ATE! WAG KANG MAG PAPAKAMATAY!" Sigaw ko sabay tulak sa kanya.

"Waaa! Bakit, sinong mag pa-pakamayay?" Sabi niya na may gulat na gulat na mukha.

"Ikaw!" Sagot ko naman.

"Hah!? Bakit naman ako mag papakamatay?"

"Ay, hindi ba?"

Tumawa lang siya habang umi-iling.

"Eh bakit seryosong- seryoso kang nakatitig sa dagat? Ganon ka ba ka-apekto sa away niyo ni Vincent?" Sabi ko habang naka yakap parin sa bewang niya.

Tumigil siya sa pag tawa at naging seryoso ang mukha.

Patay, mukhang hindi iyon ang dahilan. Bakit ko pa kasi pinaalala, Bad girl!

"Hindi naman dahil doon eh." Sabi niya habang naglalakad sa gilid na may tubig at pinag lalaruan ito.

"Bakit nga kasi?"

"Matagal ko na kasing gustong makapunta sa dagat at naka-langoy."

"Heh? Diba pumupunta naman tayo sa mga dagat dati? Bakit hindi ka lunangoy noon?" Suminod ako sa kanya at namulot ng mga shells.

"Hindi pwede eh."

Nung sinabi niya iyon, nakaramdam ako ng lungkot sa boses niya at bigla kong naalala nung mga panahong pumu-punta kami sa dagat tapos naiiwan lang si ate sa pangpang dahil inaasikaso niya ang mga kakainin namin.

Kaya pala.

Yayakapin ko sana siya ulit nang bigla siyang nag salita.

Ms. Fantasy meet's Mr. RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon