༄ CHAPTER 3 ༄

115 8 0
                                    

[Aphrodite's POV]

"Alright ladies and gentlemen! You guys really did a good job! You may now rest."

Napatingin ako sa mga fellow artists ko na pinapababa na sa mula shooting site ng photographer. Naisip ko na kami na ang susunod nung Nathan Ramirez kaya napairap ako pero hinanda ko nalang ang sarili ko. I have no choice but to deal with that bullshit.

Napalingon ako sa kanya at nakita ko siyang nginingitian lang ako na para bang nang aasar. I rolled my eyes at him and I shook my head. Kung pwede lang akong pumatay ng tao dito, kanina ko pa ginawa.

"Ms. Aphrodite and Mr. Nathan! You guys are the next."

Umakyat na kaming dalawa dun sa shooting site at hinanda narin ng photographer yung camera. Ganun na din ang ginawa ng mga staffs, inayos nila ang lights at props ng shooting site namin.

Nang tapos na sila ay tumingin na sa amin ang photographer at nginitian niya kami.

"Okay, you can now pose."

Ginawa ko ang sinabi niya at nagpose nga ako sa harap ng camera. I did my best so that mahigitan ko ang partner ko ngayon. I don't want to be outshined. Ang gusto ko sa akin lang nakatutok ang spotlight. But this man, he's really challenging me. Inuubos niya ang pasensya ko.

Habang nagpopose kami sa harap ng camera ay biglang kumunot ang noo ng photographer kaya nagtaka ako. Is there any problem?

"Umm. Can you guys move closer to each other? Para kayong magkaaway sa mga photo niyo eh."

Sabi niya kaya napairap na naman ako. So ganun na nga, wala akong choice, kaya ginawa ko nalang din ang sinabi niya. Lumapit ako dito sa bwiset na lalaking to at yun din ang ginawa niya habang nakangiti parin kaya nagtaka ako. What is he smiling at?

"A little bit more."

Napalingon ako sa photographer at ginawa ko ang sinabi niya. Mas lumapit pa ako sa lalaking to saka ako ngumiti ulit sa camera.

"Okay. Ms. Aphrodite, put your elbow in Mr. Nathan's shoulder. And also, don't smile. You should show your fierce and powerful side in this photoshoot. Understand?"

Palihim akong napairap at tumango nalang rin ako. Kagaya ng sinabi niya, ipinatong ko ang siko ko sa balikat ni Nathan kahit na labag yun sa loob ko. Tinigilan ko narin ang pagngiti ko at tumingin ako sa camera with a fierce look.

"That's it! Perfect Ms. Aphrodite!"

Napangiti ako saglit at ibinalik ko na naman ang posisyon ng mukha ko kanina. I really love it when others are complementing me. Because I deserve it.

Mas lalo ko pang ginalingan kaya naman napansin ko na sa akin nakatuon ang pansin ng lahat ng nandito at hindi dito sa laos na partner ko. Bakit pa ba kasi nila ako binigyan ng partner eh I can shine on my own naman?

Napatingin ako kay Nathan at nakita ko siya na parang naasar na dahil hindi na siya gaanong napapansin. Nang tinigil muna ng photographer ang pagkuha niya ng litrato ay inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya kasi may gusto akong ibulong sa kanya.

"You should not be near from the star that shines brighter than you. Because if you did, your shine will fade. That's your lesson for today."

I said with a smirk. Akala ko ay magagalit o maiinis siya pero hindi. Napangiti lang siya na siyang ipinagtaka ko at siya naman ang may ibinulong sa akin kaya nakinig naman ako ng mabuti.

"The brighter the star, the quicker it dies. Take note of that."

Sabi niya na para bang nang aasar kaya kumulo ang dugo ko at lumayo nalang ako sa kanya. He's really getting into my nerve. Basta pagkatapos nito dapat layuan na niya ako or else I will show him what kind of person I am.

____________________________

BEAUTIFUL ENIGMA (LOVE+WAR SERIES #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon