༄ CHAPTER 64 ༄

28 2 0
                                    

[Nathan's POV]

Binuksan ko ang pintuan nitong ICU at nakita ko si Aphrodite na wala pa ring malay habang maraming nakakabit sa katawan niya. Dahan dahan akong lumapit sa kanya at tinitigan ko siya ng maigi.

Akala ko dati, siya si Sarah Patterson na siyang  malupit na babae at walang asal kaya siya pumapatay ng tao. Pero nagkamali ako, dahil higit pa siya roon. Isa lang din siyang biktima. Biktima lang din siya ng masama at malupit na mundo.

Akala ko, siya si Aphrodite Sarah Adler na siyang nagbabalat kayo para makatakas sa pagiging mamamatay tao niya dati. Pero hindi ko alam na sa likod ng magandang mukha na ito, meron siyang kwento tungkol sa nakaraan niya na hindi madaling pakinggan at tanggapin.

Napahinga ako ng malalim at ibinaba ko ang face mask na suot suot ko. Dahan dahan akong umupo sa upuan na nasa tabi ng hinihigaan niya at tinitigan ko ulit ng maigi ang mukha niya habang natutulog.

"Bakit ka ganito, Sarah Patterson?"

Nasabi ko yun bigla habang nakatitig ako sa mukha niya.

"Bakit mo ako itinulak para mahulog ako sayo?"

Tanong ko kahit na alam kong hindi naman siya nakakarinig nun.

"Alam mo ba kung gaano mo ako pinapahirapan?"

Tanong ko ulit at napayuko ako habang pinipigilan ko ang mga luha ko. Sobrang hirap ng misyon nato para sa akin. Kailangan kong pumili mula kay Aphrodite o sa posisyon ko bilang isang secret agent. Parehong mahalaga ang dalawang iyon sa akin kaya sobrang hirap magpasya.

"Do you know how hard for me to fight this feelings for you?"

Napahawak ako sa kamay niya habang nakatitig parin ako sa kanya. Maya maya ay naalala ko ang kailangan kong gawin kaya tinigilan ko na ang pakikipag usap ako sa kanya at binitawan ko narin ang kamay niya.

Kinuha ko ang syringe na nasa bulsa ko at tumingin ulit ako sa kanya. Nag isip isip ulit ako ng maigi kung gagawin ko nga ba to ay maya maya ay nakapagpasya na ako ay napapikit ulit ako.

Inisip ko si ate at kung paano siya pinatay ng babaeng kaharap ko ngayon. Dahil dun ay nabawasan ang konsensya na nararamdam ko para kay Aphrodite kaya naging buo ang loob kong gawin to.

"Sorry, Aphrodite."

Sabi ko habang pinipigilan ko ang kaba ko at huminga muna ako ng malalim bago ko gagawin ang dapat kong gawin. Kahit na mahirap, dapat kong gawin ang trabaho ko. Ito ang trabaho ko bilang isang secret agent. Ang iligpit ang mga taong may nagawang mabigat na krimen.

Hinawakan ko ang braso niya at itutusok ko na sana ang syringe sa balat niya. Napatingin ako sa kamay ko na may hawak hawak na syringe na ilang dangkal nalang ang layo mula sa balat ni Aphrodite at napatigil ako sa di malamang dahilan.

Napalingon ulit ako sa mukha niya at nakita kong may luha na tumutulo sa pisngi niya na para bang nagmamakaawang wag kong gawin ang gagawin ko sa kanya kaya napatigil ako at nabitawan ko ang syringe.

Nilayo ko kaagad ang syringe sa kanya at tinapon ko ito sa basurahan. Napaiyak ulit ako at napahawak ako sa kamay niya. Bakit ba ang hirap ng misyon nato? Bakit kailangan ko pang mahulog sa babaeng isa sa mga pumatay sa kapatid ko?

Inilublob ko ang ulo ko sa gilid ng hinihigaan niya at doon ako umiyak ng umiyak habang hawak hawak parin ang kamay niya. Maya maya ay tumingin ulit ako sa mukha niya at inabot ko ang kamay ko para mapunasan ko ang mga luha na nasa magkabilang mga mata niya.

"Sorry..."

Pagmamakaawa ko ulit habang nakatitig sa kanya. Hinawakan ko ulit ang kamay niya at niyakap ko siya  saka ako umiyak ng umiyak ulit.

____________________________

BEAUTIFUL ENIGMA (LOVE+WAR SERIES #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon