[Nathan's POV]
Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Sophie is here? Anong ginagawa niya dito?
Kahit nagtataka pa ako ay tinanguan ko nalang din ang nagsabi sa akin noon at dumeretso na ako sa lounge para makita si Sophie.
Nakita ko siyang nakaupo lang sa isang upuan habang may dala dalang malaking laptop kaya nagtaka ako. She smiled at me kaya yun nalang din ang ginawa ko.
Nilapitan ko siya at umupo ako sa harapan ng inuupuan niya. Akala ko ay tatayo siya para yakapin ako pero hindi niya yun ginawa. Yun kasi ang palaging ginagawa niya dati kapag nagkikita kami.
"Nathan, I have something to tell you."
Sabi niya habang nakayuko. Nagtaka ako kung bakit tinawag niya ako mismo sa pangalan ko pero hindi ko nalang rin itinanong yun. She's my fiancé, that's why most of the time ay tinatawag niya akong babe.
"What is it?"
Tanong ko habang nakatingin sa kanya. Napahawak siya sa tiyan niya habang dahan dahan niyang inaangat ang ulo niya para harapin ako kaya nagtaka ako.
"I'm pregnant."
Wha——
Napanganga ako at hindi ko alam kung anong isasagot ko. How did——
"But don't worry, it's not yours. It's from the guy I met in the bar two months ago."
Patuloy niya kaya napahinga ako ng maluwag. I really thought that I'm the father. I'm not yet fully prepared to have a family. Hindi ko pa iniisip na magkapamilya.
"You're not mad?"
Pagtatakang tanong niya pero nginitian ko lang siya sabay tango.
"Why would I be? Sanay na ako na palagi kang nakikipagkita sa kahit na sinong lalaki. And me also, I have someone else right now even if we still have a relationship."
Napahinga siya ng maluwag at napahawak ulit siya sa tiyan niya kaya napangiti ako.
"Thank you for being not mad at me. Sobra akong kinabahan kanina, I thought that you will be mad at me kung malalaman mo."
Natawa ako ng mahina at nginitian ko siya ulit.
"No, I'm not. And also, ano nang balak mo ngayon? For sure you can't work as an agent anymore because of your baby."
Pag aalalang tanong ko sa kanya pero nginitian lang niya ako.
"I will go to my cousin in California. Magpapatulong muna ako sa kanya para makahanap ng kahit na anong trabaho. I will raise my child there."
Tumango tango ako at napangiti. Good decision.
"Mabuti naman. I'm sure that you will be a great mom. But if you need help or something, you can always call me."
Sabi ko habang nakangiti. She nodded at me at tiningnan niya ang engagement ring na binigay ko sa kanya a year ago. Hinubad niya ito at binigay niya ito sa akin.
"Let's break up, Nathan."
Tinanggap ko ang engagement ring na binigay ko sa kanya a year ago at tinanguan ko siya. Itinago ko ang singsing sa bulsa ko bago ko siya hinarap ulit.
"Yeah, we should."
She smiled at me once again saka niya binuksan ang laptop na kanina pa nakapatong sa lamesa. May hinalungkat siya dito saglit saka niya ito ipinakita sa akin kaya nagtaka ako.
Tiningnan ko ang laptop at nakakita ako ng blueprint ng buong Maynila. Wait, what is this for?
"What's this, Sophie?"
Pagtatakang tanong ko at may pinindot na naman siya saka niya ito ipinakita ulit sa akin.
"Natunton ko na kung saan nagtatago si Jace Ralph Javier. And even if aalis siya diyan, matutunton parin natin siya. I have a track in his phone."
Sabi niya at ipinakita niya ang isang bahay na nasa blueprint. Nasa circle ito at gumagalaw rin ito paminsan minsan dahil sa mga movements na ginagawa ni Jace Ralph Javier. Bawat galaw niya ay madedetect dito.
Napatingin ako kay Sophie napangiti ako.
"You tracked him all by yourself even if you're pregnant?"
Tanong ko sa kanya at nginitian niya ako sabay tango.
"Yeah. It's not that hard though."
Napangiti ulit ako at tiningnan ko ulit ang blueprint.
"You're really a talented agent."
____________________________
BINABASA MO ANG
BEAUTIFUL ENIGMA (LOVE+WAR SERIES #5)
RomanceLOVE+WAR SERIES #5 Aphrodite Saragh Adler is the country's biggest and brightest superstar. Nathan Ramirez is also a superstar and the biggest supermodel in the whole asia. Both of them have millions of fans all over and outside the country. Both of...