༄ CHAPTER 55 ༄

29 3 2
                                    

[Aphrodite's POV]

Nandito parin kami ngayon, pababa na. Babalik na kami sa resort kasi gabi na. I need to sleep already pa naman.

Nang tuluyan na kaming nakababa ay napahinga ako ng maluwag as I entered our car. Inayos ko ang seatbelt ko at umupo naman si Nathan sa tabi ko. Napatingin kami sa driver at nginitian ko ito.

"Take us back to resort manong."

Sabi ko at tinanguan naman ako nito.

"Yes maam."

Sagot niya at umalis na kami. Habang umaandar ang kotse ay nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang pinagmamasdan ang dinadaanan namin.

"Did you have a great time with me?"

Napalingon ako kay Nathan and I nodded at him while smiling as a response.

"Yeah. Thank you for bringing me there."

He nodded at me as a you're welcome kaya napangiti ulit ako. Tumingin ulit ako sa tinitingnan ko sa labas at maya maya ay nakabalik na kami sa resort. Bumaba na kami sa kotse at pumasok na kami sa hotel.

"Aphrodite, wait..."

Papasok na sana ako sa kwarto ko pero narinig kong tinatawag pa ako ni Nathan mula sa malayo kaya napatigil ako. I turned around and I saw him running to my direction kaya nagtaka ako.

"Why? Do you need something?"

May inabot siya sa akin kaya tiningnan ko kung ano ito. Nang nakita kong ito pala yung sombrero ko na muntik ko nang maiwan ay napangiti ako at agad ko itong kinuha mula sa kamay niya.

"You forgot this."

Sabi niya kaya tinanguan ko siya. Nginitian ko siya ulit at papasok na sana ulit ako sa kwarto ko pero hinarangan niya ang pintuan gamit ang braso niya kaya napatigil ulit ako.

"What are you doing?"

Tanong ko sa kanya habang nakakunot ang noo. Magsasalita pa sana ako pero nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin at idinikit niya ang labi niya sa labi ko kaya lumaki ang mga mata ko.

Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko habang nakabukas parin ang mga mata ko. Maya maya ay binitawan na niya ako pero gulat na gulat parin ako sa ginawa niya.

Napatingin ako sa kanya na nakangiti lang at agad ko siyang iniwasan ng tingin. Why did he did that?

"Hey, move atleast a little."

Natatawa pa niyang sabi kaya pinilit kong gisingin ang sarili ko mula sa pagkakatulala.

"I'm—— I'm..."

Magsasalita pa sana ako pero nagtaka ako nang naramdaman kong parang hindi na makagalaw ang dila ko. Napatingin ulit ako sa kanya at nang nakita ko siyang nakangiti lang habang nakatingin parin sa akin ay biglang uminit ang pisngi ko kaya nagulat ako at nagtaka at the same time. What is this feeling?

"You're blushing."

Natatawa pa niyang sabi kaya agad akong pumasok sa kwarto ko. Mas lalo pa siyang natawa dahil dun pero pinabayaan ko nalang siya. That guy.

Agad kong isinarado ang pintuan ng kwarto ko kahit na alam kong nandun pa siya sa labas. Inilock ko pa nga ito para masigurado kong hindi na nga siya makakapasok.

Nang nakapasok na ako ay hindi parin ako nakakamove on sa sa ginawa niya. He just stole my first kiss just like that! Sino ba ang taong hindi magugulat dun?

Napasabunot ako sa buhok ko because of disbelief. I know that Madam Cora is very angry right now. But nevermind, she's already dead anyways.

Pilit kong inalis yun sa utak ko at nagbihis na ako. Hihiga na sana ako pero biglang tumunog ang cellphone ko kaya napalingon ako rito.

(Mr. Cutie)

Who is this? Who added this in my contacts? Ngayon ko pa lang naman nakita ang number nato ah?

Tiningnan ko kung ano ang tinext ng taong to sa akin at natawa ako sa nabasa ko. I knew it. It's Nathan. Sabi ko na nga ba eh.

(Good night, my baby tarsier. See you in my dreams.)

____________________________

BEAUTIFUL ENIGMA (LOVE+WAR SERIES #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon