༄ CHAPTER 79 ༄

26 2 1
                                    

[Aphrodite's POV]

Nakangiti akong pumasok sa bahay at agad akong umupo sa sofa. Pinilit kong walain ang ngiti sa mukha ko pero hindi ko talaga yun magawa.

This night is very special to me. I had a date with Nathan, the man who changed my perspective to all men. Akala ko dati, wala nang lalaki ang seseryoso sa akin at hindi ako lolokohin.

"Miss, would you like us to prepare you a dinner or not?"

Napalingon ako sa maid ko at umiling ako bilang sagot sa tanong niya.

"No, thanks. I already had a dinner."

Sagot ko sa kanya kaya nginitian niya ako sabay tango saka siya umalis. Nang nakaalis na siya ay naalala ko na naman ang nangyari kanina kaya napangiti ulit ako pero agad kong pinagising ang sarili ko.

Get into your senses, Aphrodite. Wag kang ngingiti ngiti ng mag isa dahil magmumukha kang baliw.

Sinampal sampal ko pa ang sarili ko at pinilit kong ayusin ang mukha ko. I'm sure that I look like a fool right now.

Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko at umakyat na ako sa hagdan. Dumeretso na ako sa kwarto ko at naligo na ako. Pagkatapos ay nagbihis na ako ng pajama at humiga na ako sa kama.

Tahimik lang akong nakahiga at maya maya ay bigla nalang tumunog ang cellphone ko kaya nagulat ako. Kinuha ko ito mula sa gilid ng hinihigaan ko at tiningnan ko kung sino ang tumawag.

Ang manager ko.

I rolled my eyes pero sinagot ko nalang rin ito. Baka kasi importante ang sasabihin nitong bruha nato.

"Hello?"

(Miss Aphrodite, when will you come back to your job? Your schedules are already very full dahil ilang weeks ka nang hindi nagtatatrabaho.)

I sighed in disbelief at napailing iling ako. This woman.

"It's normal na hindi ako nakakapagtrabaho kasi naaksidente nga tayo weeks ago. Hindi mo manlang ba ako pagpapahingahin ha? You're lucky nga kasi galos at bali lang sa katawan ang nakuha mo from what happened weeks ago! Eh ako?! I was shot three times! Ikaw kaya ang barilin ko ng tatlong beses tapos pagtatrabahuhin kita kaagad?! Ha?!"

Galit na galit na singhal ko sa kanya. Bwiset kasi. She just ruined my whole mood.

(Calm down, Miss Aphrodite. I'm just informing you about your schedules para pagbalik mo ay hindi ka magulat sa laki ng perang naiwala mo.)

Napairap ako pero tumango nalang rin ako. I don't care about my money. I still have a lot of it in my bank account. About nine hundred million, I guess.

"Okay. Don't worry, babalik na ako sa trabaho ko maybe days later."

Sagot ko sa kanya at narinig kong natahimik siya. Naisip ko na baka naiintindihan na niya ang sinasabi ko kaya napahinga ako ng maluwag.

(Miss, what are you doing right now? You're already completely okay now, right?)

Napairap ulit ako dahil sa tanong niya. Pinipilit ba talaga niya akong pagtrabahuin?

"Yes. I'm completely okay right now but I don't want to go back to work yet. Gusto ko munang magpahinga." Sabi ko sabay irap ulit.

(But miss——) Magsasalita pa sana siya pero pinutol ko na agad ang gusto niyang sabihin. I don't want to hear her damn voice.

"No matter what you say, hindi muna ako babalik sa trabaho. Say what you want to say, I'll do what I want to do."

Sabi ko at pinutol ko na ang linya. Tsk.

Bumalik ako sa pagkakahiga ko kanina at ipinikit ko na ang mga mata ko para matutulog na sana pero narinig ko na parang may kumalabog kaya nawala ang antok ko.


I opened my eyes and I looked around. It's impossible that those are only one of my maids because they know that they are not allowed to go upstairs during the midnight.

Kung hindi yun isa sa mga maids ko, eh sino ang gumawa ng ingay na yun?

____________________________

BEAUTIFUL ENIGMA (LOVE+WAR SERIES #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon